Chapter 56

3.9K 125 9
                                    

Kenneth POV

"Baba lang ako" sabi ko kay Sab

Nandito kasi kami sa kwarto namin nanonood ng movie

"Bakit? San ka punta?" Tanong niya

"Baba lang! Kuha lang ako pagkain" paalam ko tumango naman sya kaya bumaba na ko

Pagbaba ko naabutan ko si Meng na naka upo sa sofa dito

"Oh! Umuwi ka pa Meng! Sabi ko sayo kahit wag ka ng umuwi eh" pagbibiro ko hahaha gusto ko kasi lagi syang napipikon kasi natatawa ako sa itsura nya

"Kuya" mahinang sabi niya kaya napatigil ako

Kuya? Tinawag nya kong kuya?

"K-kuya" nakayuko na namang sabi niya kaya dali dali na kong pumunta sa kanya at lumuhod sa harap nya

"Bakit?" Tanong ko

Sa unang pagkakataon tinawag nya kong kuya .... tinawag akong kuya ng kapatid ko

"K-kuya" sabi na naman nya kaya inangat ko na yung muka nya

Anak ng... papaiiyak na sya ... sobrang lungkot ng muka nya at kita mo rin na pagod na pagod na sya ... anong nangyari?

"Bakit ka----"

"K-kuya" mahinang sabi niya at tumulo na yung luha nya

Sa una ring pagkakataon umiiyak ang kapatid ko ... si Meng umiiyak

"Pucha! Bat ka umiiyak?" Inis na sabi ko at pilit inaalis at pinupunasan yung mga luha sa mga mata nya pero tuloy tuloy lang yung labas neto ... ayoko! Ayoko syang umiiyak sa harap ko! Nababadtrip ako! Sino ba naman may gustong umiyak ang kapatid sa harapan nya?

"K--kuya" sabi niya at niyakap ako

"K-kuya si A-alden" bulong nya at patuloy lang na umiiyak ... hindi ko naman alam kung anong gagawin ko kaya tinapik tapik ko na lang yung likod nya

"Si A-alden kuya---"

"Anong nangyari?" Putol ko sa kanya

"Si A-alden I-iniwan na ko ... I-iniwan na ko ni A-alden" humahagulgol na sabi nya kaya napatigil ako saglit ng madinig ko yon

Iniwan sya ni Alden? Eh kung patayin ko yon... sobrang nababadtrip ako ngayon pumayag na nga kami na may anak sya sa iba... ako? Ayoko! Ayoko na sanang ituloy yung relasyon nila dahil alam kong masasaktan lang dito yung kapatid ko pero naki usap sakin si Meng na wag na mangelam kaya pumayag na rin ako para sa kapatid ko pero ano? Ano? Iiwan nya lang si Meng? Eh kung patayin ko sila?

"K-kuya! Si A-alden" bulong na naman nya kaya hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya

"Shhhh... tahan na! Marami naman lalaki dyan" pag aalo ko sa kanya

Nagagalit na talaga ako ngayon.... ng dahil sa kanya.... umiiyak si Meng ngayon... umiiyak sya sa tangang lalaki... malilintikan talaga sakin yon!

"K-kuya" sabi na naman nya kaya pinaharap ko sya sakin

"Shhhhh... tahan na! Tignan mo oh! Iyak ka ng iyak lalo kang papangit! Oh tignan mo puro uhog ka na" pang asar na sabi ko pero patuloy pa rin sya sa pag iyak

"Bat parang namumutla ka? May sakit ka ba?" Tanong ko nung napansin ko yung muka nya

"Wala----"

"Meng" sabi ko nung bigla syang nahimatay dito sa sofa

Anak ng ... pano na? Anong gagawin ko?

"Meng! Pucha! Gumising ka dyan Meng" nagpapanic na sabi ko

This Girl (AlDub/MaiDen)Место, где живут истории. Откройте их для себя