Chapter 9

4.5K 178 1
                                    

Maine POV

"San bahay mo?" Tanong nya pag pasok ko ng kotse

"Dun sa malapit sa school" sagot ko tapos pinaandar nya na yung kotse.

"Thank you talaga ah" pambasag ko sa katahimikan. Ang tahimik kasi eh hindi ako sanay.

Tanging tango lang naman ang natanggap ko.

"Teka doon na. Pasok ka dyan sa Village na yan" sinunod naman nya yung sinabi ko.

"Oh eto na" sabi ko tapos bumaba na ko

"Ang laki pala ng bahay mo?" Sabi nya pagkababa nya sa kotse.

"Hindi naman" pahumble kong sabi hahaha

"Eh bakit nagjijeep ka pa?" Tanong nya

"Wala lang sayang kasi gas ng kotse ko ang lapit lang naman ng school"

"Ahh"

"Pasok ka pa ba sa loob?" Tanong ko. Minsan lang ako magpapasok samin

"Di na 10 na eh"

"Okay ingat na lang" sabi ko sabay pasok sa gate pero bago ako makapasok sa bahay nadinig ko naman na umalis na sya.
____________________________________

Alden POV

Kakaiba talaga yung babaeng yun hindi man lang ako inantay makaalis bago pumasok sa bahay nila.

"Hindi man lang ako pinilit pumasok sa bahay nila" Sus ang arte mo kasi Alden eh pabebe ka edi sana nakita mo na yung loob ng bahay nya.

"Shit pakilam ko naman dun"
Pagdating ko sa bahay nag shower muna ko bago humiga sa kama.

**Oyy Maine may tumatawag sayo***

Biglang may nagsalita sa bag ni Maine ....shit naiwan pala to

***Oyy Maine may tumatawag sayo***

I think record nya to tapos ginawang ringtone.

Di ko naman alam kung sasagutin ko oh hindi eh kasi hindi naman sakin to no.

"Hello" no choice kundi sagutin baka kasi emergency eh

"Hello? Alden? Puchat kala ko sa jeep ko naiwan cellphone ko" si Maine lang pala

"Oh bakit?"

"Anong bakit? Malamang hinahanap ko phone ko. Dalhin mo yan bukas ah pati bag ko. Babye." sabi nya sabay baba agad. Tae tong babaeng to makautos kala mo kung sino bwiset.

KINABUKASAN

Pagising ko ginawa ko lang yung routine ko tuwing umaga tapos nag t-shirt at jagger pants tas airmax pag pasok.

Pagpasok ko sa room nandon na sila Sam. Aba kaaaga ng mga to ah anong meron?

"Oh" abot ko kagad kay Maine ng bag nya

"Salamat" nakangiting sabi nya

"Oh bakit?" Tanong ko ehh kasi samin nakatingin sina jerald eh

"Bat nasayo yung bag ni Maine?" Malisyosong tanong ni Sam

"Eh naiwan kagabi eh" simpleng sagot ko sabay upo sa tabi ni Maine

"Ano?" Nanlalaking matang tanong nila tssss parang mga tanga

"Naiwan ko kagabi" pag uulit ni Maine

"Magkasama kayo kagabe?" Tanong ni Valeen

"Di ba pagtapos natin sabi mo uuwi ka na?" Tanong naman ni Patring

"Bakit kayo magkasama?" Tanong ni Jerald

Napatingin naman ako kay Sam kasi siya na lang walang tinatanong eh

"Oh bakit?" Tanong niya

"Wala kang itatanong?"

"Wala, wala na kong maisip natanong na nila eh" parang tangang sagot niya

"Sagot" sabay sabay na sabi nila

"Eh kasi tinulungan ko siya sa jeep kahapon kasi may lalaking umaaligid habang tulog siya eh nung ginigising ko naman ayaw magising kaya hindi ko alam kung san sya ihahatid kaya inuwi ko na lang sa bahay pero umuwi naman siya paggising niya." Mahabang paliwanag ko

"Oh happy na ba?" Tanong ni Maine

"Oo happy na" sabi ni Sam

"Bakit ang aga nyo nagsipasok? May sakit ba kayo?" Tanong ko

"Wala lang pag maaga pumasok may sakit agad di ba pwedeng sinipag lang ng konti kaya maaga" buraot na sabi ni Sam kaya nakantanggap sya sakin ng batok

"Nagtatanong ng maayos eh"

"Eh kasi wala daw yung mga Prof dahil may meeting" masayang sabi ni Maine

"Tae kayo kailan walang prof kaaaga nyong magsipasok pag nandyan late naman kayo"
sermon ko

"Syempre" pagsang ayon nila

"Baliktad talaga utak nyo"

"Oh san tayo ngayon?" Tanong ni Patrin

"Dyan ka lang aalis kami. Iwan ka" nakangising sabi ni Sam

"Hindot hindi naman kita kausap" pairap na sagot ni Patring

"Punta na lang tayo mall para masaya" nakangiting sabi ni Maine

"Tara" sagot namin

___________________________________

Vote and comment!

Thank you po hahahaha

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now