Chapter 87

4.2K 130 3
                                    

Maine POV

"Di pa ba tayo uuwi?"

"Misis uwi na tayo"

"Uyy! Tara na"

"Kaya na nila yan"

"Uwi na tayo Misis.. Sila ng bahala dito" etong Alden na to kanina pa bulong ng bulong sakin at nag aayang umuwi ... Nasa reception pa kasi kami

"Mamaya na nga ang rami pang bisita oh" sagot ko sa kanya pero sumimangot lang sya

"Sino ba nagsabi na imbitahan lahat ng kakilala natin?" Tanong ko sa kanya

"Ako" bulong nya

"Oh ikaw naman pala eh edi mag antay kang umuwi sila napakadami kasing inimbita eh pwede namang close friends lang natin" sabi ko sa kanya pero lalo lang ngumuso to .... Buong barangay hata inimbita neto eh tapos nagmamadaling umuwi.. Kahit gusto ko na ring umuwi dahil nangangati na ko sa suot kong gown eh nakakahiya naman kasi kung mauuna kaming umuwi di ba?

"Baby you want to eat?" Tanong ko kay Chasel .. Si Chase naman nakila Kath eh

"No Mommy! I want to sleep" mahinang sabi niya.. Medyo gabi na rin kasi mga 7:30

"Talaga baby? You want to sleep?" Parang naeexcite na sabi ni Alden... Ano na naman naiisip nito?

"Yes Daddy" tumatangong sagot ni Chasel

"Then tell Mommy to go home na because your sleepy" sulsol ni Alden kay Chasel kaya sinamaan ko sya ng tingin

"What? Inaantok na si Chasel" inosenteng sabi ni Alden tsssss

"Eh pano ikaw----"

"Princess gusto nyo na ba umuwi?" biglang dating nila Daddy

"Nakakahiya kasi Daddy-----"

"Talaga Dad pwede ng umuwi?" Nakangiting putol sakin ni Alden .... Nak ng teteng talaga to oh

"Oo pwede na naman... kami ng bahala dito" sagot ni Dad

"Atsaka mukang inaantok na rin si Chasel oh" dagdag ni Dad ulit.. daddy ni Alden

"Opo! Tama po kayo Dad inaantok na talaga si Chasel kaya kailangan na naming umuwi" laking pang sang ayon ni Alden

"Okay lang po ba yon?" Naniniguradong tanong ko

"Oo! Okay lang dapat nga mauuna kayo dahil... Alam nyo na may honeymoon" nakangising sagot ni Dad kaya namula ako bigla pucha nakakahiya yung topic

"Oh! sabi ko sayo Misis kailangan na nating umuwi kasi may Honeymo---" tinakpan ko na agad yung bibig netong si Alden... Nahihiya na nga ko gagatungan pa nya!

"Isa pang daldal mo! Wala ka mamaya" bulong ko sa kanya kaya sya na mismo yung humawak sa bibig nya

"Hahahaha sige na mauna na kayo" tumatawang sabi nila Dad kaya tumango na din ako kasi kailangan na din makapag pahinga nung kambal

Bago kami umuwi nagpaalam muna kami sa mga bisita, sa barkada at sa mga pamilya namin tas deretso na sa bagong bahay namin. Oo bago kasi regalo samin to ng parents namin.. Kompleto na yung gamit dito dahil dito na rin kami tumutuloy habang inaayos namin yun kasal namin nun.

"Misis una na kayo ni Chasel ako na lang ang magbubuhat kay Chase ipapark ko lang to saglit" sabi nya sakin ng makarating na kami ng bahay kaya tumango ako at maingat na binuhat si Chasel .. Nakatulog na kasi sila ni Chase habang nasa biyahe sa sobrang pagod siguro!

Dinala ko si Chasel sa kwarto nila at hiniga na doon... Okay na rin si Chasel pero syempre may pagkakataon na ilap pa rin sya sa ibang tao hindi nya talaga kinakausap pag hindi nya kakilala di katulad dati eh napaka friendly nya.

"Higa mo na dyan si Chase" utos ko kay Alden kaya nilapag nya sa kabilang kama si Chase

Mabilis naming binihisan yung kambal bago namin sila iwan sa kwarto nila.

"Tanggalin mo nga tong zipper sa likod ko! Pucha nangangati na ko" reklamo ko pagkapasok sa kwarto namin ni Alden

"Ow excited ka ba Misis?" Parang tangang tanong nya

"Excited saan? Bilisan mo tanggalin mo na! Maliligo na ko" sabi ko pero ang loko nginisihan lang ako

"Sa honeymoon natin" tumataas baba na kilay na sabi niya kaya hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya

"Tanggalin mo muna yung zipper ng gown ko bago ka humirit ha? Nangangati na kasi ako eh *muah*" nakangiting sabi ko at mabilis syang hinalikan sa labi... Pucha hindi ko kasi abot yung zipper sa likod eh

"Okay Misis hindi mo naman kasi agad sinabi eh" sabi niya at dahan dahang tinanggal yung zipper ng gown ko

"Misis san ka punta?" Tanong nya nung naglakad ako palayo

"Maliligo! Ang init eh" simpleng sagot ko

"Wag ka ng maligo! Okay na yan" nakasimangot na sabi nya

"No! Mainit! Maligo ka na rin ahh" bilin ko at pumasok na ng banyo

Woohh kinakabahan ako! Kinakabahan ako!

Wow ngayon pa ko kinabahan may anak na kami pero syempre zero percent yung 'make love' ko ng limang taon kaya natural lang na kabahan at mahiya ako bigla!

____________________________________

Alden POV

Wala ring nagawa kundi maligo na para pagtapos nyang maligo tapos na rin ako sayang oras no hahahaha joke! Alam ko naman na kinakabahan sya atsaka nahihiya kasi nga naman ilang taon din kaming nagkahiwalay at nagkalayo pero okay lang sakin kung hindi pa sya handa ngayon. Katulad ng dati handa akong maghintay. Ako nga rin medyo may kaba eh kasi wala talaga akong nakasex na ibang babae kundi si Maine lang at hello.. Five years puro si Mariang palad lang ang katapat ko tssss... Kasi gusto ko si Maine lang talaga!

Pagdating ko sa kwarto nakahiga na si Maine at nakapantulog na ako rin naman nakapantulog na boxer at sando!

"Misis" sabi ko at niyakap sya sa likod... Nakatalikod kasi sya eh

"HHmmm" sagot nya

"Alam mo ba! Sobra sobrang saya ko ngayong araw dahil kasal na tayo. Dinadala mo na yung apelyido ko. Ikaw na yung makikita ko paggising ko, bago ko pumasok sa work, bago matulog at salahat ng gagawin ko. Thank you for saying Yes and thank you for giving another chance! Wag na tayong maghihiwalay kahit nag aaway tayo ahh kasi pangako masosolve din natin yon at magkakabati rin! Maine ikaw lang talaga ang mamahalin ko Promise yan! I love you so much" ng matapos yung sinabi ko humarap na sya sakin at hinawakan yung mga pisngi ko

"Ako din. Masayang masaya ako na may asawa na kong nagngangalang Alden Richard Faulkerson....May mga anak na katulad nila Chase at Chasel. Promise ko rin magiging mabuti akong asawa sayo at nanay kila Chasel. At Oo hindi tayo susuko kahit ano pang problema na dumating satin. Thank you rin sa lahat ng ginawa mo para sakin. Richard ikaw lang din talaga ang mamahalin ko! Mahal na mahal na mahal kita" seryosong sabi nya kaya unti unti akong lumapit para halikan sya

Sobra sobra kong namiss yung mga labi nya kasi naman limang taong hindi ko sya nakita, nayakap, nahawakan at nahalikan pero ngayon sinisigurado kong hindi na kami magkakahiwalay! Pangako yan!

___________________________________

Vote and comment!!

Lalagyan ko pa po ba ng honeymoon? Hahaha

Thanks po ng marami sa pagbabasa ng kwentong ito sana suportahan nyo din yung 2nd story ko hahaha salamat ^^



This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now