Chapter 13

4.6K 168 1
                                    

Maine POV

Shet late na ko. Bwiset talaga!

Napasarap kasi tulog ko kainis!
Nagkotse na ko para mabilis akong makarating sa school.

Pagdating ko sa school pinark ko lang yung kotse tapos nagtatatakbo na ko papuntang room.

Pagtapat ko sa pinto nag ayos muna ko . Natawa naman ako sa sarili ko tumatakbo pa kong nalalaman eh lagi naman akong late.

Pagpasok ko sa room wala pa naman yung prof. Pero nandito na rin sila Val kulang na lang si Alden. Pero nung malapit na ko sa kanila napansin kong may nakaupo sa upuan ko na katabi ng upuan ni Alden.
Sino yon?

"Hi! Maine"

"Good morning"

Bati nila Sam sakin pero hindi ko muna sila inintindi dahil nakatuon ako dun sa upuan ko. Pagkahinto ko sa upuan ko tumingin naman yung nakaupo. Sus si Louise bat to nandito?

"Oh ikaw pala yan Maine" plastik na sabi niya

"Oo ako nga to alis ka na dyan sa upuan ko" mahinahon na sabi ko

"At bakit? Sayo ba tong upuan na to?" Malditang sabi niya

"Oo akin yan" simpleng sabi ko

"Bakit? May pangalan mo ba tong upuan nato? Para angkinin mo?" Aba hinahamon talaga ako neto ah

"Oo meron yang pangalan eto oh" sabay turo nung pangalan ko sa upuan na sinulat ko nung boring ako sa prof.

"Ang pagkaka alam ko bawal sulatan ang mga bagay dito sa University na to. Pwede kang maparusahan pag sinumbong kita" Sus baka matakot ako

"Edi magsumbong ka samahan pa kita eh" simpleng sabi ko.

Talaga magsumbong siya ng mapahiya siya. Hello! Amin kaya tong University na to.

"Hindi ka talaga natatako---" naputol yung sinasabi niya nung dumating si Alden na may dalang isang rose

"Good morning My Future Girlfriend" masayang sabi niya sakin sabay abot ng bulaklak.

"Nakksss future girlfriend talaga hahaha" kantsaw nila Jerald

"Morning" simpleng sabi ko dahil badtrip ako sa muka netong Louise na to.

"Good morning Den Den" biglang singit ni Louise kaya nagulat si Alden ng yakapin pa siya nito.

"Bat ka nandito Louise?" Takang tanong ni Alden

"Namiss kita Den Den" masayang sabi nito kaya napairap ako at umupo sa upuan KO.

"Ahhh hehe bat ka nga ulit nandito?" Tanong naman ni Alden

"Dito na ko mag aaral" masayang sabi nito. Sus bawal plastik dito!

"Ahh okay" simpleng sabi ni Alden sabay upo sa tabi ko

"Future Girlfriend do you sleep well?" Tanong ni Alden sakin.

"Oo naman" simpleng sagot ko

"Den Den" tawag ni Louise

"Hmmm" sagot ni Alden

"Doon na lang tayo umupo" maarteng sabi ni Louise. Leche!

"Bakit?" Takang tanong ni Alden tanga malamang gusto ka niya katabi.

"Eh wala pa kong kakilala dito eh kaya samahan mo muna ako" nagpapaawang sabi neto.

"Ah eh si Maine katabi ko eh" napangisi naman ako sa sinabi ni Alden hahaha ang pangit naman ni Louise sumimangot kasi siya eh hahaha.

"Pero Alden wala pa kong kakilala dito kaya samahan mo muna ako" pamimilit ni Louise

"Pumayag ka na Alden"

"Ganda na nga eh"

Dinig kong sabi nung iba namin classmate. Sus mukang paa nga to eh anong maganda dyan?
Si Alden naman di alam anong gagawin nakatingin lang siya sakin.

"Okay lang ako Richard pagbigyan mo na iiyak na tong si Louisa eh" pang aasar na sabi ko

"Louise not Louisa" maarteng sabi nito

"Okay Louisa" pangaasar ko pa rin

"Okay lang?" Tanong ni Alden sakin

"Oo nga!" Simpleng sabi ko
Pagkasabi ko nun hinila agad siya ni Louise papunta don sa upuan sa kabilang likod at tumabi naman agad si Val at Pat sakin

"Ka arte ng babaeng yan ah" bulong na sabi ni Val

"Oo nga maldita pa" sabi pa ni Pat

"Hayaan nyo na siya pinagbigyan ko lang yan ngayon mamaya hindi na" pagkasabi ko nun biglang dumating yung prof. So transferee pala to tssss.

***Krrrrriiinnnggg***

sa wakas tapos na rin ang napakaboring na klase neto at syempre breaktime na hahaha favorite ko

"Lets go future girlfriend" mabilis na nakarating si Alden sa tabi ko hahaha iniwan na lang si Louisa. Simula ngayon Louisa na tawag ko dito para mabwiset sya hahaha.

"Wait lang Den Den" dinig kong sabi ni Louisa

"Tara na Meng at Alden" dinig kong sabi nila Pat

"Tara" sagot ko pero hindi pa kami nakaka alis ng room may umepal na naman. Ano ba yan gutom na ko.... kami na lang nandito oh

"Den den sabayan mo ko magbreak wala akong kasama eh" ubod ng bait na sabi netong si Louisa.

"Ha? Okay lang ba sainyo? " tanong ni Alden samin

"Oo okay lang" sagot ni Sam At Jerald napairap naman sina Val.

"Tara na"

Pagdating namin sa cafeteria nagsiupo muna kami katabi ko si Alden tapos sa harap namin si Louisa.

"Ano sayo?" Tanong ni Alden sakin

"Gusto ko zesto choco yung nagyeyelo" parang batang sabi ko

"Yun lang kakainin mo?" Tanong niya. Tsss ayoko lang kumain dahil nandito si Louisa nakakawalang gana.

"Oo"

"Sakin Den Den water na lang atsaka spaghetti" biglang sabi ni Louisa

"Mamatay na nagtanong" nakangising sabi ko kaya natawa naman sila Patring

"Sige wait lang" sabi na lang ni Alden hahaha beastmode si Louisa eh

"What's your problem?" Maarteng sabi ni Louisa  pagka alis nung mga boys para mag order....kami kami na lang nila Val nandito sa table.

"What's your problem?" Panggagaya ko sa kanya.

"Layuan mo na si Den den hangga't maaga pa" malditang sabi niya. Nako! Kaninang nandito si Alden napakabait tapos ngayon demonyita na.

"Ayoko gusto ko gabi pa" nakakalokong sabi ko napairap naman siya dukutin ko mata neto eh.

"Akala mo masosolo mo pa siya? Hangga't nandito ko hindi mo na siya makakasama" nakangising sabi niya

"Let's see" nakangiting sabi ko.

Baka matakot tsk.

____________________________________

Vote and comment!

Salamat!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now