Chapter 59

3.8K 114 5
                                    

Maine POV

"CHASE! BILISAN MO!" sigaw ko

"Wait Nay! Im not yet done" sagot naman neto

"Anong Im not yet done! Anong oras na? Napakatagal mong kumilos daig mo pa kaming mga babae" sermon ko kasi tuwing aalis kami nuknukan ng tagal kumilos netong si Chase

"Chase faster naman! You na lang inaantay" inip na sabi ni Chasel

"Isa ka pa! Mag shoes ka na" sabi ko kay Chasel

"Im ready na po Mommy" nakangiting sabi ng anak kong si Chasel

Yes! Limang taon na ang nakalipas! At tama kayo ng hinala kambal.... kambal ang baby ko hahaha ang saya nga eh pero nung una syempre sobrang hirap hello! ang hirap kayang maging single parent pero kahit ganun masaya dahil nagkaroon ako ng katulad nila atsaka tinutulungan naman ako nila Kath at kung minsan dumadalaw din sila daddy

"Nay! Tapos na ko" maangas na sabi ni Chase ... oo naman marunong silang magtagalog kahit dito sila sa Italy lumaki.

Pagbaba namin tumakbo agad si Chasel kila Daniel... Oo nandito pa rin kami nakatira kasi ayaw rin nila kaming pabukudin eh may trabaho naman din ako dito MWF lang para maalagaan kong mabuti yung mga anak ko

"Tito Ninong! Hindi ba kayo sasama ni Tita Ninang?" Tanong ni Chasel kila Daniel na nasa sala... tuwid na silang magsalita kahit four years old pa lang sila

"Hindi muna baby... may toyo kasi si Tita ninang mo" bulong ni Dj kay Chasel pero dinig na dinig naman

"Anong sabi mo?" Galit na tanong ni Kath ... buntis kasi si Kath mag twotwo months na

"Wala po" sabi ni Daniel

"Bye! Tita ninang" sabi ni Chase kay Kath

"Bye! Baby pasalubong ni tita ninang ahh" sabi ni Kath at pinagkukurot si Chase ewan ko ba dyan si Chase lagi trip niya hahaha

"Seat belt!" Paalala ko pagkapasok sa kotse nasa likod kasi silang dalawa tapos ako yung magdadrive pupunta kasi kaming mall syempre tuwing sunday bonding namin yon

"Yes Nanay"

"Yes Mommy" sabay na sabi nila
Si Chase ang tawag sakin Nanay ewan ko dyan pacool yan eh.. si Chasel naman Mommy ang tawag

Naunang ipinanganak si Chase tapos ilang minuto lang sumunod na agad si Chasel kahit sobrang hirap non kinaya ko para sa kanila oh kita nyo ngayon meron na kong....

Maximo Chase M. Faulkerson
Maxine Chasel M. Faulkerson

Faulkerson? Faulkerson pa rin ang ginamit kong surname nila syempre hindi ko naman maipagkakait sa kanila yon atsaka kung minsan hinahanap nila yung tatay nila hindi ko sinasabing iniwan kami dahil baka magalit yung mga baby ko kay Alden ayoko naman yon kaya sinasabi ko nasa Work lang yung daddy nila... atsaka napatawad ko na yon si Alden ang Diyos nga nagpapatawad pano pa kaya ako? Atsaka siguro masaya na yon sa pamilya nya ngayon!

"Alam mo ba Chase kanina may dream ako tungkol sa blah blah blah blah blah blah blah blah" habang nasa biyahe kami eto na namang si Chasel na nuknukan ng daldal kung si Chase eh napaka tagal kumilos eto namang si Chasel eh napaka daldal sobrang daldal nyan pagkausap mo sya hindi ka mawawalan ng topic

Si Chase naman tanging tango lang lagi yung sinasagot kay Chasel alam kong napipikon na yan kay Chasel sa sobrang daldal pero hindi nya sinasabi kunwari nakikinig na lang sya! Nako! Kung ako nga minsan naiirita sa boses ni Chasel pano pa kaya sya eh lagi silang magkatabi atsaka panong hindi ka maiirita sa boses nya eh sobrang tining tapos daldal pa ng daldal ewan ko kung san nagmana yan... siguro kay Alden kasi yun lang naman daldal na daldal pag nag aano kami eh tssss... wag mo ng isipin yon!

This Girl (AlDub/MaiDen)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora