Chapter 1

14 2 0
                                    

Hi everyone! This is my new story. Hope you all like it anyway. Please vote and leave a comment. Thankie!!

This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or person, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved.
Don't copy and distribute this story without any permission from the author.

--------------------------------------------------

"Lenna! Bilisan mo dyan at nandito na iyong sundo mo!"napairap nalang ako sa ere dahil sa sigaw ni nanay. Kahit kailan talaga ang bunganga ng nanay ko parang armalite! Pero kahit ganoon ay love na love ko padin yan no!

"Eto na po patapos na! Sabihin niyo na mag intay sandali!"may lakad ako ngayon gabi. Actually kinuha akong escort ni Mama Belle para kay Mr. Galvez pupunta daw kasi ito sa isang auction party na dadaluhan ng mayayamang tao at negosyante sa pilipinas. Hindi ito ang unang beses na naging escort ako ng mayayaman. Kadalasan sa mga ini-escortan ko ay majojonda na. Wala naman kaso sakin kung matanda, may buhok o wala ang ini-escort ko eh, basta may pambayad siya sakin ay ok na.

By the way, I'm Lenna C. Rich, 22 yrs of age, tawag sakin ng karamihan ay tisay dahil sa maputi kong balat. Nagpabuntis kasi ang nanay ko sa isang kano na ang pangalan ay Kevin Rich na sa kasamaang palad ay iniwan siya matapos siyang buntisin. Ang kwento sakin ng nanay ay gwapo daw talaga ang tatay ko. Hindi naman mapagkakaila dahil maganda naman ang kinalabasan. Ako.

Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ang sumunod ay si Jojo, Joaquin, Millet na ang tatay ay isang pinoy, si tito Henry na ngayon ay nakakulong dahil sa pagtutulak ng droga sa aming lugar. At ang sumunod ay si Mica, Cassy at Andrei na kano rin ang tatay. Hindi ata maka move on si nanay sa tatay ko kaya ayun at nagpabuntis ulit sa kano not one's but thrice! Sa kasamaang palad ay iniwan din siya.

May mga pagkakataon nga na naririnig kong umiiyak ang nanay, bakit kamo hindi? Eh magkakasama kaming mga babae dito sa nag-iisang kwarto ng maliit naming inuupahan. Habang ang mga lalaki ko naman kapatid ay sa sala natutulog.

Simula ng tumuntong ako ng 18 ay tumutulong na ako para  buhayin ang pamilya ko, hindi na ako nakatungtong ng college at hanggang senior high school nalang. Kaya naman kahit anong trabaho ay pinasok ko, waiter?game! Freelance model?game! Singer?game! Make-up artist?game! Kahit crew nga sa fast food pinatos ko nadin. Ngayon nga ay nag escort ako para sa isang tao na kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko. Malaki kasi ang pera dito, hindi niyo naman ako masisisi kung bakit ko ito gagawin, lahat ng kapatid ko ay nag-aaral. Si nanay naman ay pagmamani-pedi lang ang trabaho.

Swerte din kami ni nanay sa mga kapatid ko, kasi alam nila iyong hirap ko at ni nanay. Kaya naman pinagbubutihan nila ang pag-aaral.

"Lenna ano na? Kanina pa naghihintay yung mama don sa labas!"sumungaw si nanay sa pinto ng kwarto para kulitin ako na lumabas na.

Isinuot ko na ang aking hikaw at tumayo. Umikot ako sa harap ng salamin at saka tinanong si nanay kung ok naba ang itsura ko.

Lumapit ito sa akin at tinitigan ako. "Maganda ka Lenna kahit anong itsura mo. Mana ka ata sakin no!" Sabi nito at tulak sa akin palabas ng kwarto.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko na ang kotse na maghahatid sakin sa restaurant kung saan kami magkikita ni Mr. Galvez. Nakatingin sakin ang mga kapit bahay namin ng lumabas ako. Mababakas ang inggit at paghanga sa mga mukha nila. Well hindi ko kasalanan kung bakit pangit sila no.

"Oi tisay sino yang sumundo sayo? Manliligaw mo?"bungad sakin ni John isa sa mga kababata at kapit bahay namin na masugid kong manliligaw.

Inismiran ko siya. "Anong pake mo! Umalis ka nga sa dadaanan ko John baka hindi kita matantya diyan eh!"

Mabils nga itong umalis sa harap ko at nagkamot ng ulo. Hindi naman pangit si John, actually noong high school ay crush siya ng karamihan sa aming school. Kayumanggi ang balat, matangos na ilong singkit na mata at magandang katawan.

Pero hindi siya papasa sakin, ayokong magkaroon ng asawa na ako pa din ang bubuhay no! Pamilya ko lang sapat na, dadagdagan ko pa!?

Magda Lenna...Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora