Chapter 24

4 0 0
                                    

Pagkatapos ng party ay pinahatid na ako ni Marcus sa driver para makauwi na ng bahay.

Hindi pumayag si Marcus na isayaw ako ni Gabriel kanina sa party kaya nag walk out nalang ito, hindi ko din siya pinansin ng malaman ko na may kasama pala itong iba. Syempre nasaktan ako, umakto siyang parang galit nung nalaman niyang kaya ako nandoon ay dahil nag escort ako.

Anong iisipin ko diba? Syempre umasa nanaman ang tanga kong puso.

Pumikit ako at pilit na tinatanggal ang lahat ng isipin tungkol kay Gabriel. Hindi ko na alam kung anong oras ako dinalaw ng antok basta ang alam ko hanggang sa panaginip ko ay siya padin ang nakikita ko.

~~~~~~~~
After one month.

"Oh Lenna fierce look naman!"sigaw ng photographer na siya naman sinunod ko. Iba-ibang pose ang ginawa ko at mukang natuwa naman sila.

"Ok that's good. Break muna."bumaling ito kay madam Sandy na siyang naging manager ko.

Ipinakita niya sa amin ang mga naging kuha ko nailalagay sa isang sexy magazine.

I wear my robe as I watch them choosing what picture is good and not. Biglang nag ring ang cellphone ko na nasa bag, nakalapag ito sa isang tabi.

Lumapit ako at tinignan kung sino ang tumatawag. "Ano naman kayang problema nito?"so I answer the call anyway.

"Hello Mr. Galvez. Long time no see ah?"pabiro kong sabi.

"Hi Lenna libre kaba ngayon?"

"Kahit kailan hindi naging libre ang oras ko Mr. Galvez."umirap ako sa ere ng madinig ko itong tumawa sa kabilang linya.

"Yeah right. I just like to ask, if you want to have some coffee."he cleared his throat.

"What time?"

"5pm will do."

"Okay."

"Great! I'll text you the detail's. Bye!"then he hang up.

Nagkibit ako ng balikat at ibinalik sa bag ang aking cellphone. Bumaling ako kela madam Sandy para tignan kung tapos naba sila sa pagpili ng mga picture's.

"Madam okay naba?"tanong ko dito at nakisilip nadin sa laptop.

"This one look's great."itinuro ng photographer ang isang picture. Tumango kami ni madam bilang pagsang-ayon.

Natapos kami ng bandang alas-tres, agad akong nag bihis at nag ayos sa loob ng dressing room para dederetso nalang ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Lanz.

Paglabas namin sa studio ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko at kay madam Sandy. "Madam una na ko ha."nakipag beso pa ito sakin bago ako pakawalan.

Sumakay ako ng taxi at sinabi kung saan ang lugar na pupuntahan ko. Thirty minutes at nakarating din ako, tumingin ako sa orasang pambisig, four pm.

Masyado akong maaga, kaya naman ay naghanap ako ng bakanteng mauupuan at saka ako umupo doon.

Naglalaro lang ako sa aking cellphone at patingin-tingin sa bawat pagbukas ng pinto sa pagbabakasakali na maaga din itong dumating.

Nakakainip naman. Tumayo ako para umorder ng frappe. Pagbalik ko sa upuan ay may napansin akong matandang kano na tingin ng tingin sa akin. Weird! Ang una kong naisip at hindi ko na ulit ito nilingon dahil baka lumapit pa ito sa akin.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now