Chapter 39

5 0 0
                                    

Isang linggo ang lumipas at ngayon araw ng lunes ang umpisa ko sa trabaho sa kumpanya ni Marcus bilang isang ganap na abogado.

Atlast! Magagamit ko na ang pinag-aralan ko. Masaya akong nagbihis at naghintay sa pagdating ni Marcus. Susunduin niya daw kasi ako.

Tatlong araw kong iniyakan sa gabi ang lintek na pictire na iyon! Simula non ay hindi ko na ulit tinignan ang profile niya. Mag momove-on na ako!

Maya-maya pa ay dumating na si Marcus at tumulak na kami papunta sa papasukan ko. Bumungad sa akin ang isang three storey building, sabi ni Marcus ay ganoon na kalaki ang naabot ng negosyo niya, at balak niya pang palakihin kung mabibigyan ulit ng pagkakataon.

Pumasok kami sa loob at ipinakilala niya ako sa mga tauhan niya at sa mga kapwa namin abogado. Nag-aya pa nga ilan na kumain sa labas pagtapos ng trabaho para daw pangwelcome sakin. Pumayag si Marcus sa gusto ng mga ito.

Inilibot at ipinakita lang sakin ni Marcus ang aking magiging opisina. Masaya ako. Naiimagine ko na ang sarili ko na nakaupo doon at may kausap na kliente. Hindi na ako makapaghintay.

Sinabi din ni Marcus na maari akong maghire ng secretary ko kung gusto ko para hindi ako mahirapan. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Kinagabihan ay natuloy nga ang welcome party na pinlano nila. Kumain kami sa labas at pagkatapos ay tumuloy sa isang videoke bar. Kumuha kami ng private room at saka kami nagkantahan.

Masaya sila kasama at mabilis kong nakagaangan ng loob ang iba. Lasing na ang iba kaya naman ay tinapos na namin ang gabi. Nagpaalam na ang mga ito. Si Marcus naman ay may tama nadin. Good thing at hindi ako masyadong uminom.

"Give me the key."inilahad ko ang aking kamay para ibigay nito sa akin ang susi.

"Here."pinatunog ko ang sasakyan at inalalayan itong makapasok. Pumunta ako sa driver seat at inistart na ang kotse.

Pagkarating sa bahay ay tulog na ito, niyugyog ko ang kanyang balikat para gisingin. "Hey dito na tayo samin. Dito kana matulog okay?"

Dumilat ito at umayos ng upo. Inilibot nito ang paningin at saka lumabas ng sasakyan.

Tahimik na ang paligid dahil alas dos na ng madaling araw. Pinagbuksan kami ng katulong ng pinto, inalalayan ko si Marcus na makaakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto.

Inihiga ko siya at hinubadan ng damit hanggang sa boxer nalang ang matira, maganda ang katawan niya kahit nasa forty na ang edad nita. Tinakpan ko ng kumot ang katawan nito, kumuha ako ng damit sa closet at saka lumabas ng kwarto.

Doon ako matutulog sa tabi ni nanay. Hindi kami pwedeng magtabi ni Marcus at baka pukulin na nanaman ako ng kantyaw ng mga kapatid ko.

Pagtapos maligo ay agad akong nahiga at mabilis din akong nakatulog. Mukha ni Gabriel ang una kong nakita sa aking panaginip.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now