Chapter 4

4 0 0
                                    

Napahinto si Mr. Lanz Galvez at nilingon din ang pinanggalingan ng pagtawag. Agad itong ngumiti pagkakita sa taong tumawag dito.

There he stood proud and arrogant on his own. Ni hindi man lang ito ngumiti ng tapikin siya ni Lanz sa balikat. Nagkwentuhan ang dalawa na parang nawala ako sa eksena kaya naman nilibang ko nalang ang aking sarili sa paglingon sa mga taong dumadaan at tumitingin sa gawi namin.

"Oh by the way! This is my date for tonight. Ms. Lenna Rich herself."nagtaka man sa gawi ng pagpapakilala sa akin ni Lanz ay inilahad ko padin ang aking kamay sa kaharap at ngumiti ng matamis.

"I don't care who she is. She's not my type."tinapunan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa at saka nagkibit balikat. Binawi ko ang aking kamay na naiwan sa ere dahil sa hindi nito pagpansin.

The nerve of this guy! Alam kong hindi ako mayaman pero bullshit! Wala pang nagsabi sakin na 'she's not my type' para nadin niyang ipinamukha sakin na hindi ako maganda at kahit kailan ay hindi ako magiging maganda sa paningin niya.

Pinamulahan ako ng mukha dahil sa inis at pagka-irita na naramdaman ko.

"Don't be rude tol. She's beautiful."tumingin sakin si Lanz at ngumiti. "Kaya nga siya ang isinama ko."

"Okay. Mauna na ako."iyon lang ang sinabi ng antipatikong lalaki at nauna na ngang maglakad papasok sa venue.

"Sino ba iyon ha!?"may diin kong bulong kay Lanz ng makalayo ang lalaking sumira ng aking gabi.

"Ah he's one of my college friends, Gabriel Montenegro."at saka ito nagkibit balikat at nagpatuloy sa paglakad.

"Ah yabang."iyon lang ang tangi kong nasabi, kumapit na ako sa kanyang braso at sumunod sa paglalakad niya.

Naghanap agad siya ng pwede naming upuan pagkapasok namin sa venue. Habang ako naman ay palinga-linga sa paghahanap sa antipatikong lalaki. Hinaltak ako ni Lanz sa isang lamesa na may mga tao ngunit hindi pa puno.

Inalalayan niya ako sa pag-upo katabi ng isang lalaki na hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino. Tumabi naman sa akin si Lanz at ipinakilala sakin isa-isa ang kasama namin sa table.

It turn's out na panay kaibigan niya ang nasa table. Hindi ko na tinandaan ang pangalan nila dahil sigurado naman ako na ito na ang una at huli naming pagkikita.

Napukaw ang pansin ko sa isang babaeng maganda at may maamong mukha na nakatingin sa akin ng masama. Her name's Jenna, and I think alam ko na kung bakit ganoon siya makatingin. Hawak ni Lanz ang kamay ko habang pinapakilala ako.

"And this man on your side, that you already met earlier. Gabriel Montenegro."agad akong napalingon sa gilid ko kung saan itinuro ni Lanz si Gabriel.

Nakatingin din ito sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil wala naman emosyon ang ipinupukol niyang tingin.

Masasabi ko na gwapo siya, mas gwapo pa siya kay Lanz kung ako ang tatanungin niyo. He has a light golden brown eye's na bumagay sa kayumanggi at makinis nitong balat. Matangos na ilong, thin lips, makapal na kilay at mapupungay na pilikmata. Siya iyong tipo ng lalaki na kapag tinitigan ka ay parang kaya kang pasunurin sa mga gusto niya. And he has this aura na nakaka intimidate, para kang malulunod at inaarok ang pagkatao mo sa bawat tingin niya sayo.

Bumaba ang tingin ko sa malapad niyang balikat at dibdib. Napakagat ako sa aking pang ibabang labi ng maisip ko kung ano ang itsura ng katawan niya. Ilan kaya ang abs nanakatago doon. Fuck!

"Do you like the view? Pumasa ba ako sa taste mo? O gusto mo maghubad pa ako."walang kakurap-kurap nitong sabi.

"Excuse me!?"pinagtaasan ko siya ng kilay para pagtakpan ang aking kahihiyan.

"Tsss."inirapan ako nito at bumaling ulit sa kausap niya kanina.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now