Chapter 40

3 0 0
                                    

Isang buwan na akong nagtatrabaho kay Marcus at magagaan na trabaho lang ang binibigay sakin nito.

Sabi niya ay gamayin ko muna ang tarbahong iyon bago niya ako bigyan ng mabigat na kaso.

Kriiiinnnggg...

Kriiiinnnggg..

Inangat ko ang telepono na nakakonekta sa secretary ko na si Kc.

"Hello ma'am may lunch meeting po kayo ngayong tanghali kay Mr. Soleman sa restaurant."

"Oh shoot. I forgot about that, thanks Kc. Ano nga ulit kaso iyon?"

"Annulment case po ma'am."

"Ok sige salamat ulit."

Tinignan ko ang aking relo at ng makita na mag aalas dose na ay nagmadali akong lumabas ng opisina.

"Kc ikaw na muna bahala ha. Puntahan ko lang to."

"Sige po ingat po."tumango ako at dumeretso na sa elevator.

Pagkarating sa restaurant ay na late ako ng 5mins.

"Hi!"bati ko sa waiter na nagchecheck ng mga nagpareserve. "Ahm..I'm with Mr. Soleman."i nervously say's.

"Wait ma'am."tumingin ito sa logbook at saka ulit bumaling sakin. "This way ma'am."

Sumunod ako dito at dinala ako sa isang pribadong kwarto. Pang VIP ata kasi may mga table sa labas pero maron din mga kwarto na para sa mga meeting kagaya nito.

Kumatok ito at ng tatlong beses at sinabi na nandito na ako. Nang sumagot ang nasaloob ay binuksan ng waiter ang pinto para makapasok ako.

Pagpasok ko ay nadagdagan ang kaba ko ng mapagsino ang lalaking nasa harap ko.

"Your late."may diin nitong sabi.

"A-anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko, bakit siya? Hindi naman Soleman ang apelyido niya.

"You may have a seat Ms. Rich."iminuwestra nito ang upuan sa harap nito.

Umiling ako bilang pagsagot. "No. Aalis na ko."tatalikod na sana ako ng magsalita ito.

"Kliente mo ako, nalate kana nga tapos lalayasan mo pa ako?"galit na sabi nito.

Humarap ako sakanya. "What did you say? Hindi Soleman ang Montenegro para sa kaalaman mo. Ibig sabihin ay hindi ikaw ang kliente ko."matapang kong sagot sakanya.

"Really? Huh?"tumayo ito at lumapit sa akin, ng isang dangkal na lang ang layo naming dalawa ay nagpakilala ito. "My name is Gabriel Soleman Montenegro. Now tell me may mali ba? Hindi padin ba ako ang kliyente mo?"

"Bakit hindi yung apelyido mo ang ginamit mo?"paangil kong sabi sakanya. He's manly scent invaded my nostril. And fuck! Nakapasok nanaman siya sa sistema ko ng walang kahiral-hirap! Nakalimutan ko bigla na kailangan ko ng mag move-on!

"Bakit? Kapag ba Montenegro ang ginamit ko ay papayag kabang makipagkita?"tama naman siya kung iyon ang ginamit niya ay hindi ako papayag.

Hinawakan niya ang baba ko para maiangat ang mukha ko, inilapit niya ang kanyang mukha at kinintalan ako ng mababaw na halik sa labi. Nawala ako sa sarili ko ng mga oras na iyon, sa isang mababaw na halik ay nalasing ako ng ganoon kabilis.

"I miss you."bulong nito sa tenga ko.

Mabilis ko siyang itinulak. "Anong ginagawa mo Gabriel, may asawa at anak kana!"

Naiinis ako sakanya. Bakit niya nagagawang lokohin ang nanay ng anak niya. Pinag-daanan niya iyon kaya dapat ay alam na niya ang mararamdaman ng mag-ina niya kapag ganito ang ginawa niya.

At fuck! Ano balak niya sakin? Gawing kabit? Hindi ako nagpakatino at nakapagpakapagod sa pag-aaral para lang bumalik sa dati.

"Kaya kanga nandito, I want to file an annulment at ikaw ang gusto kong mag-asikaso non."walang kakurap-kurap na sabi nito.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now