Chapter 17

12 0 0
                                    

"Dito nalang."tinignan nito ang paligid at ipinarada sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan.

"Dito ka nakatira?"tanong nito habang pinapanuod ang mga nag-iinuman kahit maaga pa at ang mga taong nakatambay para mag chismisan.

"Oo bakit? Akala mo ba saan ako nakatira? Sa subdivision?"natatawa kong tanong at binaklas na ang seat belt.

Umiling ito at tumingin sa akin. "Hindi kaba delikado dito? Look at them."itinuro nito ang nag-iinuman.

"Kakilala ko ang mga yan, hanggang biro lang ang kaya nilang gawin sakin. Hindi sila masamang tao."binuksan ko ang pinto at pababa na ng hawakan ako nito sa braso.

"Can I come in?"tanong nito ng nakakunot padin ang noo.

Hinawakan ko ang noo niya para tanggalin ang pagkakakunot nito. "Sure. Tara papakilala kita sa mga kapatid ko at kay nanay."

Bumaba kami ng sasakyan, nakatingin sa amin lahat ng kapit bahay at nagbulong-bulungan.

"Tisay bigtime yan ah."sabi ng isang umiinom.

"Kaibigan ko ka Roley! Kayo na ho bahala dito sa sasakyan niya ha, wag niyo to papakanti kahit kanino!..haha.."bilin ko sa mga umiinom.

"Aba sige walang problema iyon lang pala eh!"ngumisi din ito sa akin.

"Halika na sa loob."habang papasok kami sa loob ng bahay ay nakita ko si John na naka upo sa sofa at nakabihis pa. May nakita din akong donut sa center table.

Agad itong tumayo ng makita ako at binigyan ako ng malapad na ngiti. "Oh John anong ginagawa mo dito? May lakad kaba?"

Nagkamot ito sa ulo at naiiling na tumingin sa akin. "Aakyat sana ako ng li-"

Naputol ang sasabihin nito ng makita si Gabriel sa aking likuran. Nawala ang ngiti nito sa labi at sumimangot.

"Sino yan ate?"tanong ng kapatid kong si Joaquin. Nakatingin nadin sa amin ang iba ko pang kapatid na kanina lang ay tutok na tutok sa TV.

"Oo nga sino yan tisay?"segunda ni John.

"Ah oo nga pala kaibigan ko si Gabriel."pinakilala ko ito sa mga kapatid ko at pinaupo sa aming maliit na sofa.

"Saan si nanay Millet?"tanong ko sa aking kapatid ng mapansin na wala ang aming ina.

"Nandoon pa kela ate Joy hindi pa siya tapos mag linis ng kuko."sagot nito.

Binalingan ko si Gabriel na inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay namin. "Ahemmm..pasensya kana sa itsura ng bahay namin. Gusto mo ba ng softdrinks?"

"Sige-" Gabriel.

"Oo-" John.

Napatingin ako sa dalawa ng magkatinginan ito dahil sa halos magkasabay nilang sagot. Umupo ulit si John sa tabi ni Gabriel.

"John pare."inilahad nito ang kamay kay Gabriel para makipag shake hands na tinanggap naman ng huli.

"Boyfriend ni Lenna."dugtong nito bigla na nakapagpainis sa akin.

"What the hell John? Lumayas kana nga dito! Umuwi kana bago kita hambalusin dyan!"sita ko rito ng mapansin ang pag-igting ng panga ni Gabriel. Hindi din ito nagpatalo sa pakikipagtitigan.

"Ganoon ba? So may the best man win nalang."sabi ni Gabriel na nakapagpakilig sa akin at kay Millet na nakikinig pala.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now