Chapter 26

4 0 0
                                    

Kinabukasan ang napagkasunduan namin na alis, dahil kung ngayon gabi aalis ay malamang sa malamang na pangit na resort at dyan lang sa malapit ang mapuntahan namin.

Kaya naman ng gabing iyon ay nagpaalam ako kay nanay at nagempake ng mga dadalin ko. Well ito ang gusto ko sa beach. Sexy outfit!

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa excitement na nararamdaman ko. Madaling araw ay sinundo na ako ni Lanz sa bahay.

Nilagay ko sa compartment ng sasakyan ang dala kong bag at dumeretso na sa harap para doon maupo. Pagkapasok ko ay agad ko siyang tinanong kung nag-almusal naba siya.

"Hindi pa, mag drive thru nalang tayo."sabi nito at inistart na ang sasakyan.

"Tama yan hindi padin ako nag-aalmusal you know. Bakit naman kasi ang aga nating umalis."tumingin ako sa orasang pambisig na suot ko. "Tignan mo 4am. Dapat tulog pa ko nito."

Wag nalang kaya tayong tumuloy?"bumaling ito sa akin ng seryoso ang mukha.

Ngumuso ako. "Joke lang naman. Excited kaya ako! Woooohh!"tumawa ako at ganoon din ang naging reaksyon niya.

"Patugtog ako ha."pinakeleman ko ang radyo at naghanap ng magandang kanta. Ilang sandali pa ay bumili na nga kami ng makakain. At kinain namin ito habang bumibyahe.

"Your voice is good." Komento nito sa pagsabay ko sa kanta na ikinasimangot ko.

"Good lang? Diba dapat great or very nice voice?"

"Nah. Good lang."

"Hoy ang kapal mo ha panlaban ako ng barangay namin sa mga singing contest nung kabataan ko!"inirapan ko ito at tinawanan lang ako.

"Really? Nanalo kaba naman?"pang-aasar nito sakin.

"Oo isang beses!"

"See? Ilang beses kabang ipinanlaban?"

Inisip ko sandali at ng mabilang ay agad kong sinabi. "Pitong beses!"

"Hahaha..sa pitong beses isang beses kalang nanalo? Poor."

"Ewan ko sayo! Ayoko na nga. Ihatid mo na ko samin."pagtatampo ko.

"Joke lang ikaw hindi kana mabiro!"tawa ito ng tawa dahil sa inasal ko.

"Hehehe."pang gagaya ko sa pagtawa niya. Bwisit na to ang ganda kaya ng boses ko!

"We're here."inihinto nito ang sasakyan sa isang matayog na building.

"What are you? Crazy? Panay swimsuit ang dala ko tapos dito lang pala tayo pupunta?"bulyaw ko sakanya.

Nagtangal ito ng seatbelt at bumaba, kaya naman wala akong choice kundi bumaba nadin. Pumunta ito sa likod at binuksan ang compartment para kuhanin ang bag ko.

"Hoy seryoso kaba dito?"tumingin ako sa paligid na may mangilan-ngilan nading tao. Tumitingin ang iba saamin at bumati.

Pagkasakay sa elevator ay pinindot nito ang pinakahuling floor. "Ay ang gara mo naman wala kang isang salita na sa beach tayo."humalukipkip ako at ngumuso.

Hindi niya ako tinitignan at kinakausap kaya lalo akong naiinis. Pagkabukas sa floor na pinindot nito ay agad itong lumabas at may pinasukang pinto. Nakasunod lang ako sakanya at umakyat kami ng hagdan. Pagbukas nito sa pinto sa dulo ng hagdan ay tumambad sa amin ang isang helicopter na umaandar na pero hindi pa lumilipad.

"Shit! Lanz sasakay tayo dyan?"excited kong tanong sakanya na tinanguan nya lang.

Pinasakay niya ako at tumabi siya sa akin. Kinausap nito ang piloto at sumensyas na lilipad na kami.

Tuwang-tuwa ako ng makita ko na unti-unti kaming umaangat. Nakakalula at nakakatakot. Pero wala naman sigurong masamang mangyayari.

"Saan ba tayo pupunta?" Sigaw ko kay Lanz na hanggang ngayon ay seryoso padin.

"Pagudpud."iyon lang ang isinagot niya. Baka inaantok pa kaya ganyan. Hayaan na nga. Basta ako masaya dahil first time ko to.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now