Chapter 36

5 0 0
                                    

Five months already past, naikasal na si Gabriel at Jenna nung nakaraang dalawang buwan. Nakipagkita sakin si Lanz nung mismong araw ng kasal at umiyak ng umiyak. Masakit din para sa akin. Pero hindi ako umiyak, mas kailangan ni Lanz ang masasandalan nung araw na yon.

Naging okay din kami ni tatay pero noong ika-limang buwan na pagkakakilala namin ay pumanaw siya because of another heart attack, I often call him 'tatay' and he said it's okay with him. Nalaman ko din na wala itong asawa at ibang anak bukod sakin, kaya naman ng iniuwi ang bangkay niya sa America ay ang mga pininsan at kapatid lang nito ang katulong kong nag-asikaso.

Malugod nila akong tinanggap. Nalaman ko din na mayaman ang tatay ko dahil sa mga iniwan niya sakin. Oo lahat ng ari-arian niya ay sakin niya iniwan, hindi naman naki-elam ang mga kapatid ni tatay dahil ang sabi nila ay kabayaran daw iyon ni tatay sa mga pagkukulang niya sa akin.

Umiyak ako ng umiyak ng araw na iyon. Nagdasal ako, at sinabi ko sa Diyos na pinapatawad ko na si tatay kahit pa wala siyang ibigay sa akin na kahit singkong duling. Hindi naman pera ang batayan ng pagpapatawad, kung hindi ang pagtanggap mo sa isang tao kung ano siya.

Sa maiksing panahon na nakasama at nakilala ko si tatay ay masasabi ko na sakanya ko namana halos lahat. Masaya ko dahil doon, may nabuo nanaman na parte ng pagkatao ko.

Kahit hindi ako lumaki na kasama siya ay mahal ko siya bilang ama. Lagi naman nasa puso natin yun hindi ba? Ang pagkakaiba lang ay hindi ko inalagaan ang sama ng loob ko sakanya kaya naman ay madali ko siyang napatawad at minahal.

Dito na ko sa America tumira, mag-isa. Nag-aaral ako ngayon ng law, tinutulungan ako ni Marcus sa mga kailangan ko. Naging magkaibigan din kami. First name basis na nga kami. Haha.

Paraan ko din ito para makalimot. Iniiwasan ko nadin ang sarili ko na isipin ang mga bagay na nakakasakit lang sa puso ko. Kagaya nang pagpapakasal niya.

May ipinangako din ako sa sarili ko, na kapagnakatapos ako ay may dapat akong gawin. Kaialangan ko nadin patawarin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mabuhay ng matagal ng dala ko padin ito sa dibdib ko.

Pinatawad man ako ni Gabriel ay may parte padin sakin na nagsasabing hindi iyon sapat para makalimot at para patawarin narin ang aking sarili.

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon