Chapter 47

3 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga kami nagising at sabay na nag-almusal. Pagkatapos ay sinamahan niya ako sa aming bahay para makapagpalit ng damit at saka niya ako hinatid sa trabaho.

"Goodmorning ma'am Lenna. Ganda po ng ngiti natin ah."bati sakin ni Kc.

"Goodmorning, hindi naman masyado. Haha."tinanong ko ito tungkol sa schedule ko ng araw na iyon.

Napag-alaman ko na wala akong ibang gagawin bukod sa magkulong sa office at magreview ng mga kaso.

Habang nagbabasa ay tumunong ang aking cellphone hudyat na may dumating na mensahe.

Marcus France:

Don't forget about your meeting later 3:00pm.

Sa totoo lang ay nakalimutan ko iyon dahil sa mga nangyayari sa amin ni Gabriel. Pero mas kumpyansa na ako ngayon dahil natanggap ako ni Gabriel at minahal.

Me:

Yes. Thank you.

Pagdating ng two thirty ay iniligpit ko na ang mga gamit ko at nag-ayos ng konti para maging presentable ang aking itsura at nagpaalam na sa aking secretary na aalis na ako para sa isang meeting.

Ibinilin ko din dito na kapag may naghanap sa akin ay iyon ang sabihin.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay na pupuntahan ko. Mabilis kaming nakarating doon.

At ang akala ko na wala na ang kaba ko ay bumalik nanaman ng makita ang itsura ng bahay ng mga ito.

"Dito siguro siya lumaki."sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang malaking bahay na may malawak na bakuran.

Lumapit ako sa gate at nagdoorbell. "Sino po sila?"may nagsalita sa isang maliit na speaker sa gilid ng doorbell.

"Lenna Rich."

"Wait lang po ah."

Naghintay ako ng ilang sandali bago lumabas ang kasambahay na siyang nagbukas ng gate. Pinasunod niya ako sakanya, habang ako naman ay tahimik na sumusunod at nagdadasal na sana ay maging maayos ang lahat.

Habang palalapit kami sa malaking pinto ng bahay ay pabilis ng pabilis ang tahip ng aking dibdib at pinagpapawisan ako ng malagkit.

"Ma'am dito po."pumasok ito sa isang pinto sa kanang bahagi ng bahay.

Sumunod ako sakanya. Kumatok muna ito at hinintay na sumagot ang nasa loob bago binuksan ang pinto para sa akin.

Iminuwestra niya ang loob, dahan-dahan akong naglakad papasok at nakakita ako ng naparaming libro na nakaayos sa book shelf na nakadikit sa pader. I don't know maybe library or opisina.

"Lenna."napatingin ako sa nagsalita. Tumulo agad ang aking luha sa simpleng pagtawag niya. Ang laki ng nagbago sakanya. Mas tumanda na siya tignan ngayon, pero hindi naitago ng katandaan ang kagwapuhan at kakisigan nito.

Mabilis akong lumapit at yumakap sakanya na ginantihan din niya ng maghigpit na yakap, habang patuloy lang ako sa pag-iyak. "Shhhh...tahan na."alo nito sakin.

"I'm sorry...sorry talaga Lemmuel. Hindi ko ginusto na mangyari yon."humahagulgol ako sa balikat niya. Nakakahiya man ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Matagal kong dinala sa puso ko ang bigat ng alalahanin na iyon.

"Wala kang kasalanan Lenna. Kaya tumahan kana."lumayo ako sakanya at nagpunas ng luha. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang paghikbi.

Umiling ako dito. "Kasalanan ko kung bakit iyon ginawa ng asawa mo, nagalit ka sakin kaya hindi mo na ako pinuntahan. Hindi ba?"

Magda Lenna...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن