Chapter 32

3 0 0
                                    

Pagkadating sa Manila ay ipinahatid ako nito sa driver pauwi sa bahy namin. "Kuya dyan nalang sa tabi."

Inihinto ni kuyang driver ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Salamat po."tumango lang ito sa akin.

Pagkababa ko ay may napansin akong magarang sasakyan sa unahan ng sasakyan na binabaan ko. "Kanino kaya to?"

Pumasok ako sa bahay at nagulat sa nakitang tao na nakaupo sa aming sala. "Anong ginagawa mo dito Mr. France?"

Napatingin ako kay nanay na namumugto ang mga mata. "Nay anong nangyari? Anong problema?"nilapitan ko ito at saka hinagod ang likod.

Wala sa sala ang mga kapatid ko. Hindi ko alam kung nasaan ang mga ito.

Bumaling ako kay Mr. France sa pagbabakasakali na may maibigay itong sagot sa akin. Ngunit kinibitan lang ako nito ng balikat, kaya naman ay kay nanay na ako tumingin.

"Nay?"

"Anak ang tatay mo."kinabahan ako dahil sa sinabi nito. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Henry.

Iniisip ko na baka nakalaya na ito, at bakit nandito si Mr. France? Siya ba ang abogado ng walang hiyang iyon?

"Nakalaya naba siya nay?"kinakabahan kong tanong.

"Sinong nakalaya?"naguguluhang tanong ni Mr. France at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay nanay.

"Hindi siya. Yung totoo mong tatay si Kevin Rich anak nasa ospital daw at may taning na ang buhay."nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni nanay. Fuck! Hindi ko pa nga siya nakikita, mamamatay na agad siya?.

"Sigurado kaba dyan nay? Sino naman ang may sabi sayo?"tanong ko dito.

"Siya!"turo ni nanay kay Mr. France. "Abogado daw siya ng tatay mo."

Napatingin ako dito para humingi ng kumpirmasyon sa sinabi ni nanay. Tumango lang ito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Eh diba magkasama tayo nung nakaraan?"hindi ko alam kung paano iaabsorb ng utak ko ang mga nalalaman ko. Hindi pa ko nakakaget over sa nangyari kahapon tapos biglang meron nanamang bago.

"Your father want's me to keep it a secret from you. That's why I didn't tell you right away. But right now he's in the hospital bed because of a heart attack, it's he's second time na maospital dahil sa atake sa puso and the doctors said na baka hindi na siya buhayin ng pangatlo at maswerte nadaw siya na buhay pa siya ngayon pagkatapos niyang atakihin. And he wanted to see you now, that's also the reason why I'm here."paliwanag nito.

Nanghina ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko bang makita ang tatay ko na tinakasan ang responsibilidad sa akin noon? Fuck! I can't decide right away just because he's in the hospital bed. It's so much to take in. But tatay ko parin siya right? Kung gusto niya akong makita ay ganoon din ang gusto ko, dati. Pero hindi pa huli ang lahat.

"Saang ospital ba?"tanong ko kapag tapos ko mag-isip.

"Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo Lenna?"tanong ni nanay na ngayon ay kalmado na. Tinanguan ko lang ito bilang sagot sa tanong niya.

"Kung ganon, let's go. Ihahatid na kita kay Mr. Rich."tumayo na ito at inalalayan din akong makatayo.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now