Chapter 20

7 0 0
                                    

"Eto naba yon Ted?"tumingin ako sa isang maliit na pwesto na may nakalagay na 'Beauty Is The Key Modelling Agency.

"Oo ano kaba maliit palang pwesto nila kasi kakastart palang nila."hinaltak ako nito papasok sa loob.

Nagdadalawang isip man ay wala na akong nagawa kundi sumunod dito. Malay natin maging successful itong agency dahil sakin o diba?haha

"Ted!"nakipag beso ito sa ibang bakla na nadoon.

"Guys! This is Lenna, freelancer yan."pinaikot ako nito at ng huminto ay saka ulit nagsalita. "Kita niyo? Ang feslak see? Maganda. Ang katawan, ay te magiging lalaki ka in an instant!"

"O by the way! Sila ang may ari nitong agency, bali sila din ang mag mamanage sayo. This is Madam Sandy, Madam Luiza and Madam Margaux!"pakilala nito sa mga bakla na manager daw. Muka naman kagalang galang ang mga bakla na to kaya nakipagkamay na ako at nginitian sila ng ubod ng tamis. First impression's last ika nga.

"Hi. Upo ka."umupo ako sa isang sofa na nandoon. Parang waiting area ata to. May nakita akong mga picture na naka display sa pader.

"Iyan yung mga product's na hawak namin. At iyong mga taong nasa picture ay mga alaga namin."maya-maya'y sabi ni madam Sandy.

Nagkwentuhan pa sila bago nila ako kinausap ng seryoso. Kaya naman ng makauwi ako sa bahay ay pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Oh kamusta iyong naging lakad mo?"si nanay.

"Ok naman nay. Nakakapagod kasi kung ano-ano pa ang pinagawa nila. Parang audition ba."napabuntong hininga nalang ako.

"Mica!" Tawag ko sa isa kong kapatid. "Bili mo naman ako sa tindahan ng softdrinks."nilambingan ko ang boses ko para sumunod ito.

"Sige akin nalang yung sukli ah."tumango ako at ipinatong ang aking hita sa lamesita.

"Nga pala yung bf mo hindi kana dinalaw, tinetext kaba?"kapag kuway tanong ni nanay.

Umirap ako sa hangin dahil sa sinabi niya, nakalimutan ko na nga ngayon araw eh. Pina-alala pa.

"Nay pano niya ko itetext kung hindi naman kami nagpalitan ng number!"iretable kong sagot.

"Hindi na nagparamdam sayo simula noong dumalaw siya dito?"

Pumikit ako ng madiin at saka sumagot. "Hindi na nay."mahina kong sabi. Maraming tumatakbong problema sa isip ko, pero hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin.

"Baka naturn off dahil sa ganito lang tayo nakatira."inilapag nito ang softdrinks na pinabili ko at nilapagan din ako ng monay na may palamang peanut butter.

Agad ko iyon kinuha, sumimsim muna ako sa softdrinks bago ako kumagat sa tinapay. "Alam mo nay, kung ganyan ang pananaw niya sa buhay mabuti pang tumandang dalaga nalang ako."

Tama naman diba? Bakit ka mateturn off sa isang tao dahil lang sa itsura ng tinitirhan niya? Diba dapat ugali ang basehan? Para malaman mo kung may pag-asa kayong dalawa.

Hindi kaya naturn off siya nung nagsungit ako? Hindi naman siguro. Then it hit me hard, nakalimutan kong isipin na pwede siyang maturn off dahil sa klase ng pagkatao ko. Fuck!

Magda Lenna...Where stories live. Discover now