Chapter 6

4 0 0
                                    

Umakyat ang tingin ko mula sa yosi papunta sa mukha ng lalaking nakikisindi. Napangisi ako sa taong nasa harap ko.

"Sigurado ka?"tanong ko dito at ibinalik ko ang tingin sa mga sasakyan na nakapark.

"Why? Ikaw lang ba ang may kakayahang mag yosi?"kunot noong tanong nito.

"No. What I mean is, bakit ka nakikisindi? Mamahalin yang yosi mo, siguradong may lighter ka."lumingon ako sa gawi nito at nakita ko na nakatitig lang ito sakin na parang may galit sa mga mata.

"I left it in my car."irritation visible in his husky voice. So manly and arrogant.

Nagkibit balikat ako at sinindihan na ang yosi niya. Then it became quiet all of a sudden. Walang gustong magsalita. Walang gustong bumasag sa katahimikan.

He clear his throat before he talk. "Pasensya na sa inasal ng mga kasama natin sa table kanina. Especially Jenna."

Napalingon ako dito dahil sa gulat sa paghingi nito ng pasensya para sa mga kasamahan nito.

Nagkibit ako ng balikat at saka ito inirapan. Tinapon ko sa katabing basurahan ang yosi na hindi ko pa napapangalahati.

"Now what?"tanong ko sa sarili ko. At tumingala. Ahhh! That Jenna girl ruin my night big time! Ni hindi pa ko nabayaran ni Lanz sa gabi ko dahil sa kanya!

Bumaling si Gabriel sa gawi ko at nakakunot noong nakatingin sa akin. "What do you mean 'now what'?"takang tanong nito.

"Lanz left me because of that Jenna girl."sabi ko dito ng hindi lumilingon. Ayos na yung ganitong sa gilid ko lang siya ng mata ko kita. Nakaka intimidate kasi yung mata niya. Para kong nilulunod.

"I can give you a ride if you want."

"Talaga ba? Kanina lang ang sungit-sungit mo sakin, ngayon inaalok mo na ko ng ride."namula ito dahil sa sinabi ko, tumawa ako dahil sa ipinakita nitong ekspresyon.

Tinapon nito ang yosi sa basurahan. "Kung ayaw mo ok lang."masungit na saad nito.

Akmang tatalikod na ito ng magsalita ako ng pabulong. "Hindi pa nga ako nababayaran ni Lanz eh." na umabot ata sa pandinig nito na agad ko namang pinagsisihan dahil sa gawi ng tingin na ipinukol nito sa akin.

"Is that so?"makahulugan nitong tanong at pinasadahan ako ng may pang-uuyam na tingin mula ulo hanggang paa. Siguro ay bigla nitong narealize na isang bayarang babae ang iniimbitahan nitong sumabay sa sasakyan niya, kaya naman bigla nalang itong ganoon makatingin.

Na para bang may bigla itong itinayong pader sa pagitan naming dalawa na kahit kailan ay hindi ko matitibag. Ano paba ang inaasahan ko? Mayaman siya, mahirap at maduming babae lang ako sa paningin nila.

Bigla nalang ako nitong hinaltak papasok sa loob ng venue at wala siyang paki-elam kung may nabubunggo man kami o wala. Habang hawak niya ang braso ko na namumuti na dahil sa higpit ng hawak niya ay bigla kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam na dumaloy at gumising sa pagkatao ko, kasabay niyon ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Napatitig ako sa malapad at matipuno nitong likod. What the hell happen? Anong ginawa niya sakin? Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay nag slow motion ang nasa paligid ko.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now