Chapter 43

3 0 0
                                    

Naging mainit ang umagang iyon para sa akin. Pinagpawisan ako ng malagkit dahil sa kapilyuhan ng Gabriel na iyon!

Hinatid niya ako sa trabaho at pagkatapos ay umalis nadin agad, dahil may trabaho padaw siya.

Pagpasok ko sa opisina ay binati agad ako ni Kc ng magandang umaga, na binati ko din ito pabalik.

Maghapon akong nagkulong sa loob ng opisina, buong umaga akong hindi lumabas, hindi ko pa malalaman na tanghalian na kung hindi pa ako inaya ni Kc na sumabay sakanya kumain.

"Ma'am Lenna, sabay na po tayo kumain."aya nito sakin.

"Ha?"napatingin ako sa relong pambisig na suot ko at nakita na sakto alas dose na pala ng tanghali.

"Sige, mauna kana. Maya-maya na ako kakain."nginitian ko ito. Agad din itong umalis at isinara ang pinto.

Napahilamos ako sa mukha ko, hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip kay Gabriel. Fuck!

Yumukyok ako sa lamesa at saka inumpog-umpog ng mahina ang aking ulo para magising ako sa imahinasyon na nabubuo sa utak ko.

"Ah! Hindi pwede to!"tumayo ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Biglang pumasok si Marcus na nakakunot ang noo. "Are you okay?"

Napaupo ulit ako at pumangalumbaba. "Marcus.."

Lumapit ito sakin at sinalat ang aking noo. "Wala kanaman sakit. What's wrong?"concern nitong tanong.

"I think I still love him."umigting ang panga nito dahil sa sinabi ko. Umupo ito sa upuan na nasa harap ng aking table na para sa bisita.

"Gabriel?"

"Yeah."

"Pero kasal pa sila ng asawa niya hindi ba?"

"Oo."

"Kung ganon ay hindi kayo pwede."

"Alam ko."

"Kailan ba lalabas yung hinihingi niyang annulment papers?"

"3weeks from now."

"That fast?"

Tumango ako bilang sagot. "What should I do?"

Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan. "I really don't know, ikaw lang ang makakasagot niyan."

"By the way, hindi kapaba mag lunch?"pasunod nitong tanong. Tumayo na ito at pumamulsa.

"Wala akong gana. Mamaya nalang siguro kapag nakaramdam na ako ng gutom."

"Ikaw bahala."papunta na ito sa pinto ng lingunin ulit ako nito.

"Pumayag na siyang makipagkita sayo."sabi nito.

"Talaga?"kinabahan ako dahil sa sinabi niya, but at the same time ay excited.

"Yeah."

"Kailan? Saan?"

"I text you the details."at agad na itong lumabas.

"Marcus!"sigaw ko dito, ngunit hindi na ako pinansin. Binitin pa yung impormasyon!

Lumabas ako ng bandang alas tres para sa aking super late na tanghalian. Mas lalo akong hindi napakali ng bumalik ako sa opisina dahil iyon din ang oras na narecieve ko ang text ni Marcus tungkol sa details.

"My god. Bukas agad?"shinake ko ang aking mga kamay para kahit papano ay mabawasan ang kaba na aking nararamdam.

Pagdating ng uwian ay nagulat ako ng madatnan ko si Gabriel na nag-aantay sa labas ng building.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko rito. Pinagtitinginan ito ng ibang empleyado na dumadaan. Bakit kamo hindi eh gwapo naman siyang talaga dahil sa masungit act niya.

"I'm here to fetch you."pinagbuksan ako nito ng pinto at hinaltak ang braso ko para sumakay napansin kasi nito na hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Agad nitong pinaharurot ang sasakyan paalis doon.

Magda Lenna...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن