Chapter 8

2 0 0
                                    

Naririnig ko nalang ang kaluskos at mga yapak niya dahil sa ginagawa niyang pagdampot sa mga damit na nakakalat sa sahig. Maya-maya pa'y may inilapag ito sa bedside table at narinig ko nalang na bumukas at sumara ang pinto.

Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay bumangon ako at tinignan kung ano ang inilapag niya sa bedside table. Nakalapag doon ay isang papel, dinampot ko ito at tinignan ng malapitan.

Isa itong tseke, may nakasulat na P50,000.00. Tinignan ko ang pangalan at pirma niya. Malinis siyang magsulat at ang pirma niya ay maganda.

Nailing nalang ako dahil sa kabaliwan ko, nasasaktan ako kanina ngayon naman ay pinupuri ko ang sulat at pirma niya. Sabagay wala naman siyang kasalanan kung bakit ako nasasaktan. Bumangon ako at dumeretso sa banyo para maligo. Uuwi nalang ako kesa manatili dito, baka mabaliw lang ako kakaisip sa Gabriel na yon!

Lumabas ako ng hotel na iyon at sumakay ng taxi. Pagkarating ko sa amin ay pasado ala-una na. May mga kapit bahay pa akong gising at nag iinuman.

"Tisay bihis na bihis ka ngayon ah!"sigaw ng isang lasing na nakakita sa akin.

"Ang ganda talaga nitong si tisay no pre? Tignan mo ang likod ang kinis at ang puti!"tumawa sila at nagbiruan na parang wala ako doon.

Dumeretso na ako sa loob ng bahay at hindi na pinansin ang mga nag-iinuman. Pagpasok ko sa sala ay tulog na sa sahig ang mga kapatid kong lalaki, naglatag lamang ang mga ito ng banig.

Maingat at dahan-dahan ang ginawa kong paglakad para lang hindi ko sila matapakan. Pagpasok ko sa aming kwarto ay napansin kong wala pa si nanay.

Agad akong nagpalit ng pambahay na damit at isiniksik ang aking sarili sa tabi ni Mica. Nilabas ko ang aking cellphone para magtipa ng mensahe para kay nanay.

Me: Nay san ka? Gabi na. Umuwi kana.

Nanay: Wait lang. Dito lang ako kela rudolf. 😙

Napairap ako sa hangin dahil sa reply ng nanay ko. Si Rudolf ay isa sa mga masugid na manliligaw ni nanay. Oo binata nga ito at may trabaho kaya lang, anu ba naman? Hindi paba sapat ang pitong anak na iba-iba ang tatay? Saka wala na akong tiwala sa mga lalaki na inuuwi ni nanay dito sa bahay.

Me: uwi na nay! Bukas nalang yan ulit!

Nanay: ok! Kj mo nak!

Papikit na ako ng marinig ko ang mahina at tumatawang boses ni nanay na nanggagaling sa labas. Kaya agad akong tumayo at sumilip sa pinto ng kwarto.

Nakatayo ito doon kasama si Rudolf na sumesenyas ng isa pang kiss na agad naman pinagbigyan ni nanay.

"Nay!"mahinang sigaw ko, ngunit sapat na para marinig nila.

Napatingin sa akin si Rudolf at pinasadahan ako ng may pagnanasang tingin mula ulo hanggang paa. Fuck! Sinasabi ko na nga ba.

Nakita ni nanay ang ginawang paghagod ni Rudolf ng tingin sa aking katawan. Malakas itong sinampal ni nanay sa pisngi.

"Bakit mo ko sinampal?"nakahawak ito sa pisngi at halatang nagulat.

"Umuwi kana at ayoko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan!"sigaw ni nanay at sabay tulak kay Rudolf. Nilapitan ko si nanay ng isara nito ang pinto.

"Nay? Ok kalang?"nag-aalala kong tanong.

"Kagaya din siya ng hinayupak na yon!"tinakpan nito ang mukha at saka umiyak.

"Nay, atleast habang maaga nalaman mo agad, wala ng ibang mapapahamak."niyakap ko siya at inalo.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now