Chapter 3

7 0 0
                                    

Hindi na kumain si Mr. Galvez kaya naman ay inalalayan na ako nito na makasakay sa kotse na maghahatid samin sa lugar kung saan gaganapin ang auction. Maya-maya ay bigla itong nagsalita.

"Lenna are you ok?"nag-aalalang tanong nito. Napansin ata na hindi ako mapakali. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung may asawa o sabit ba itong kasama ko ngayon baka mamaya ay mapaaway pa ako.

Kung matanda kasi ay wala naman paki-alam masyado ang mga tao at media. Pero pagganitong edad ang kasama ko sigurado na sikat ito at dudumugin ng media, tapos ano? Mababalitaan ng asawa o gf niya na kasama ako, tapos susugudin ako para awayin. Fuck! This is not a good idea.

"I'm ok. Medyo kinakabahan lang."ngumiti ako ng tipid at tumingin sa labas ng bintana, ngunit agad din akong napalingon sa gawi nito ng hawakan nito ang mga kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng hita ko.

"Don't be nervous. Kasama mo ko, ako bahala sayo."assurance nito.

"Iyon nga eh. Baka pag may nakakita na kasama mo ako may magalit at bigla nalang akong sugudin. Tell me may asawa kanaba? O di kaya'y girlfriend?"

Tumawa ito dahil sa tanong ko ngunit ng makita na seryoso ako sa tanong ko ay bigla ding tumikhim at sumeryoso. "Wala akong gf at lalong wala akong asawa. Bakit naman kita isasama sa pupuntahan ko kung alam kong ikapapahamak ko din iyon?"

Tumango nalang ako bilang sagot. Oo nga naman, syempre masisira nga naman ang relasyon nito kung makikita na may kasama siyang iba.

Maya-maya pa ay huminto ang aming sinasakyan sa harap ng isang mamahaling hotel. May mga media at photographer na sa labas at kumukuha ng picture ng bawat mayayamang tao na dumadaan.

Lalo akong kinabahan, ngayon lang ako makakapunta sa ganitong kalaking event. Iyon kasing mga pinagdadalhan sa akin nung mga nauna kong costumer ay sa mga birthday party lang ng mga kumpare nila kaya kailangan nilang magdala ng bata at magandang ka-date.

"Ready?"nakangiti ito habang inaayos ang kanyang suit at neck tie.

"Ok."sabay kaming lumabas ng sasakyan. Nagpunta siya sa tabi ko at inalok ang kanyang braso para kapitan ko. Habang naglalakad ay sige naman ang pag-ilaw ng mga camera at pagbato ng tanong ng mga media.

Nilagpasan namin silang lahat. Hindi rin nagsasalita si Lanz ngunit ngumingiti sa bawat madadaanan namin kaya naman ay ganoon din ang ginawa ko. May narinig pa nga akong nagtanong kung ako daw ba ang latest girlfriend niya na tinanguan lang nito.

"What's her name Mr. Galvez?"pangungulit pa ng reporter.

"Sir please kahit pangalan lang."segunda naman ng isa.

"Lenna."iyon lang ang sinabi nito ngunit nagkagulo na ang mga reporter at photographer sa pagkuha ng aming mga larawan.

Seriously? Mabubulag na ako dahil sa liwanag ng mga camera nila. Pagkapasok namin sa loob ay nakahinga ako ng malalim.

"Haha..cool right?"amusement all over his face.

"What's cool with that? Oo nga pala bakit mo sinabi ang pangalan ko? Baka guluhin lang ng mga iyon ang magulo ko ng buhay."

"Akong bahala. Come on."sumunod ako sakanya papunta sa isang bahagi ng hotel kung saan nandoon ang venue.

Napakaraming tao, ang iba ay kilalang negosyante, ang iba naman ay artista. Gusto ko nga sana magpapicture sakanila dahil siguradong matutuwa ang nanay at mga kapatid ko kaya lang nakakahiya naman.

"Mr. Lanz Galvez."napalingon ako sa matikas at malamig ngunit nakakatakot na boses na tumawag sa pangalan ng katabi ko.

Magda Lenna...Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ