Chapter 23

3 0 0
                                    

Naka-upo kami ngayon sa isang round table habang nakikinig sa program na patungkol sa birthday celebrant.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Gabriel, pero kahit anong gawin kong hanap ay hindi ko ito makita.

"Hey are you okay?"tanong ni Mr. France na mukhang nag-aalala.

"Okay lang ako."ngumiti ako at ibinalik na ang tingin sa harap.

"So Lenna tell me, anong natapos mong kurso?"biglang tanong nito habang magkakrus ang mga kamay sa dibdib at nakasandal sa upuan.

Napabaling ako sa kanya at saka sumagot. "High school lang ang natapos ko, pagtapos non nagtrabaho na ako para tulungan si nanay sa mga gastusin sa bahay at sa pag-aaral ng mga kapatid ko."

Tumango-tango ito. "Kung bibigyan kaba ng pagkakataon ay mag-aaral ka ulit?"

"Aba syempre naman. Gusto kong kumuha ng bussiness mga ganon para pagnakatapos ako pang negosyo nalang problema ko."natatawa ako dahil sa mga pinagsasabi ko, ito naman ay seryso lang na nakatingin sa akin. Seriously? Akala ko si Gabriel lang ang masyadong seryoso sa buhay, pati pala itong si Marcus.

"Your not taking me seriously."umiling ito at ipinatong ang siko sa lamesa at saka pinagsalikop ang mga kamay.

Umubo ako kunwari at saka ako sumeryoso. Kung si Gabriel ay nakakalunod at nakakahipnotismo ang mga tingin ito naman si Marcus ay nakakatakot tumingin dahil sa itim na itim nitong kulay ng mata.

"Okay seryoso na. Gusto kong kumuha ng law."tinignan ko ang magiging reaksyon niya sa gusto ko. Ngunit wala akong makita kundi ang pagtango lang nito.

"Okay, kailan mo balak mag-aral ulit kung sakali?"

"Siguro kapag nakatapos na iyong kapatid kong sumunod sakin at nagkatrabaho."nagkibit balikat ako at dumampot ng finger food sa lamesa at saka ito isinubo.

Bumuntong hininga ito at hindi na ulit nagsalita. Pwede kaya ako mag tanong sakanya? Nakakatakot naman kasi siya, parang pagnagkamali ka ng konti ay bigla kanalang lalamunin ng black hole sa mata niya.

Maya-maya pa ay may mga tumayong pares ng babae at lalaki para mag sayaw sa gitna. Tinignan ko si Marcus na walang paki sa paligid.

Okay, baka hindi kami sasayaw. Hmmmm. Bigla itong tumayo kaya naman napatingin ako sakanya.

Nakalahad ang kamay nito sa harap ko at isinenyas ang mga taong nagsasayaw. Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan niya akong pumunta sa gitna.

Hinawakan agad nito ang aking bewang at inilapit ako sa katawan niya. Ako naman ay nakakapit sa leeg niya.

Nakatingin ako sa mukha niya at siya naman ay nakayuko para titigan ako. Habang sumasayaw ay napagtanto ko na gwapo nga siyang talaga. Pero mas gwapo sa paningin ko si Gabriel syempre.

Pagtapos ng unang tugtog ay may lumapit sa amin. "May I dance with her?"

Napalingon ako kay Gabriel na ngayon ay nakatitig sa akin, ngunit agad din itong napalingon kay Marcus dahil sa isinagot nito. "No, she's mine tonight. So you better go back with your date."

Nag-igting ang panga ni Gabriel dahil sa sinabi ni Marcus. Ang nakapagpagulo sa isip ko ay ang 'date' daw nito. Sumakit ang dibdib ko dahil sa nalaman na may iba pala itong kasama. Eh ano yung kanina? Wala lang? Pafall lang? Shit!

Magda Lenna...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant