Chapter 19

4 0 0
                                    

Kinatanghalian ay nagpaalam na nga siya na aalis na. Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan at kinawayan habang paalis ng lugar namin.

"Tisay manliligaw mo?"tanong ng isang chismosa sa lugar namin.

"Ay hindi po. Boyfriend ko."pagkasabi ko niyon ay agad akong bumalik sa loob ng bahay.

Nagluluto ako ng tanghalian ng biglang dumating si nanay at tinanong agad ako tungkol sa gwapong lalaki daw na kasama ko.

"Nay kaibigan ko lang iyon."irap ko dito.

"Eh bat kwento-kwento dyan sa labas na sinabi mo daw na boyfriend mo?"

"Eh kasi iyon naman ang gusto nilang malaman. Kahit sabihin ko sakanila na kaibigan ko lang yung tao eh ipagkakalat padin nila na bf ko si Gabriel kaya naman pinadali ko na yung usapan."paliwag ko kay nanay na ayaw parin tumigil sa pagtatanong.

Nakakain na kami at lahat ay iyon parin ang bukambibig nito, na sayang daw dahil hindi niya nakita. Ininggit pa ito ng mga kapatid ko na talaga daw gwapo at hinalikan padaw ako sa lips ng magtampo ako dito.

Kaya naman maghapon ay iyon ang pinagkwentuhan namin. Ikinuwento ko sakanya mula umpisa ng pagkakakilala namin at kung ano ang totoong nararamdaman ko.

Kilig na kilig si nanay habang nakikinig. "Anak baka siya na ang prince charming mo!"

"Nay, prince charming talaga?"natatawa kong sagot dito.

"Aba malay mo!"

"Nay ayoko muna mag expect ng malaki dahil baka masaktan lang ako."

"Anak ngayon lang kita nakitang ganyan, yung kinang sa mata mo? Kakaiba, mahal mo na sya, sure ako dyan. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo."pagtapos ng usapan namin ay umalis na ulit ito at may lilinisan padaw ng kuko.

Kinagabihan ay maaga akong natulog. Sana mapanaginipan ko siya. Pumikit ako ng may mga ngiti sa labi dahil sa sayang aking nararamdaman.

~~~~~~~~~~~

Mabilis na lumipas ang tatlong linggo at hindi na ulit nagparamdam sa akin si Gabriel. Sabi ko na nga ba, ganoon lang ang tingin niya sakin. Baka naman nakaramdam lang siya ng init at ng makita niyang ako ang nandoon ay sumige siya. Ngayon na hindi kami nagkikita ay baka iba naman ang kinakalantari niya.

Kainis!

Kringggg...kriiinnnggggg!

Ted's calling...

Sinagot ko ang tawag at dumungaw ako sa bintana para mawala sa iba ang iniisip ko. Kung kaya niyang hindi magparamdam ng tatlong linggo, pwes kaya ko din no!

"Hello this is Lenna."

"Alam ko gaga kaya nga ako tumawag sayo."pabarang na sagot ni Ted sa kabilang linya. Speaking of Ted nagtatrabaho padin ako sakanya at hindi ko na nakita si Gabriel sa bar kung saan ko siya unang nakita.

"Oh eh bakit ka nga tumawag?"

"Interesado kapaba doon sa modelling agency na sinasabi ko sayo?"halata ang excitement sa boses nito, kaya naman ay naexcite nadin ako.

"Aba oo syempre naman!"

"Kung ganoon ay magbihis kanang maganda at pumunta kana dito, aalis tayo ngayong 10am! Kaya girl bilisan mo ha!"at agad nitong binaba ang tawag. 10am? Eh 8:30am na. Putsa. Mabilisan ang gusto!

Agad akong tumayo at naligo. Paglabas ng banyo ay tinuyo ko agad ng blower ang aking buhok. Nagbihis at nag make up. Pagkalagay ko sa aking lipstick ay biglang pumasok si nanay.

"Oh san lakad mo?"

"Nay naku pupuntahan ko iyong modelling agency na sinasabi ni Ted."excited kong sabi kay nanay.

"O sya mag-iingat ka. Galingan mo!"ang nanay talaga napaka suportive!

Humalik ako dito at nagpaalam na.

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon