Chapter 50

3 0 0
                                    

"Bakit ganyan ang suot mo?"kunot noong tanong nito.

"Aalis ako."walang emosyon kong sagot sakanya.

"Fuck! You can't go like that! At saan ka pupunta!? Party!?"sumimangot ito at saka ako hinaltak papunta sa sasakyan niya.

"Bitiwan mo nga ako!"pilit kong kinakalas ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Kuya Gabriel, ano bang nangyayari?"tanong ni Joaquin at lumapit na ito samin.

"Go back inside Joaquin, mag-uusap lang kami ng ate mo."nginitian nito ang kapatid ko at sinenyasan na iwan na kami. Sumunod naman ito.

Pag-alis ni Joaquin ay agad ako nitong ipinasok sa loob ng sasakyan at mabilis ding sumakay sa driver seat.

Pinaharurot nito ang sasakyan palabas subdivision. "Ano pa bang gusto mo!?"

"Talk."simpleng sagot nito. Nakita ko ang mga titig niya sa akin sa rear view mirror.

Umiwas ako ng tingin sakanya. "Pwede naman tayong mag-usap samin bakit kung saan-saan mo pa ko dadalin!?"

"Uuwi na tayo."malumanay nitong sabi.

"Ayokong tumira kasama mo."maanghang kong sabi.

"Fuck!"

Nagulat ako ng hampasin nito ang manibela, namumuti ang kamao nito dahil sa higpit ng pagkakahawak.

Hindi nalang ako ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay nito. Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Get out."

Pagkababa ko ay agad ako nitong hinila paakyat sa kwarto nito. Isinara nito ang pinto ng makapasok na kami sa loob, binitiwan niya ang kamay ko at padabog itong umupo sa kama at ginulo ang buhok.

"Now we talk."mahinang sabi nito.

Nanatili akong nakatayo, tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabaya nanaman sa pagtulo. Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sakanya.

"Wala na tayong pag-uusapan."tinitigan ko ito sa mga mata. Makikita ang sakit doon at pagod. "Kung wala kang tiwala sa akin ay lagi lang ganito ang mangyayari satin."

"I trust you."mahinang sabi nito.

"You trust me?"turo ko sa sarili ko. "Kung nagtitiwala ka sa akin ay hindi sana ganito. Pinagbintangan mo akong..what? Pumatol sa daddy mo!?"

"I'm sorry okay?"tumayo ito at akmang lalapit ngunit agad kong pinigilan.

"Dyan ka lang, wag kang lalapit."

"Baby.. okay. I did'nt trust you enough kaya nagkaganon."

"See?"umiling-iling ako dahil sa dissapointment.

"But that's because I know you're history with my dad! You can't blame me for feeling this kind of jealousy towards him!"galit na sabi nito.

"Alam mo ba talaga? O kagaya kadin ng iba na humusga sa pagtulong sakin ng daddy mo?"

"He made you his mistress for pete's sake!"masakit na sabi nito. "But dad explained to me everything."

Yumuko ito at umiyak. Nasasaktan ako dahil sa sinabi niya. Pero tang ina mas masakit pala kapag nakikita mo yung mahal mo na umiiyak dahil nasasaktan at nahihirapan. Siguro nga ay ako ang mali, dapat nagpaliwanag ako sakanya at nilinis ag pangalan ko. Dapat pinaalam ko ang plano kong pakikipag-usap sa daddy niya. He has the right to know everything, because we need that, if we want this relationship to work.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit at yakapin siya. Hinayaan kong lamunin ng kung ano lahat ng galit ko at pagtatampo ko sakanya. At hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko hanggang sa kumalma siya. "Hey.. stop crying."hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at inilayo sa balikat ko para matitigan ko ang mukha niya. Mahal ko ang lalaking ito. Na kahit ano pa ang pagdaanan at pagtatampuhan na pagdaan namin ay okay lang basta kasama ko siya.

"I'm sorry.. kung sana nakinig ako kay dad sa mga paliwanag niya dati. Hindi sana ganito."pinunasan ko ang luha na lumalandas sa kanyang pisngi.

"It's okay."ngumiti ako sakanya.

"Please wag mo kong iwan. I-i can't live another year's without you."he kiss me softly on my lips. Longing and love visible in his eyes.

Lumayo ako dito at saka nagsalita. "We have to promise to trust each other no matter what. Okay?"

Tumango ito at hinalikan ako sa noo. "And we have to promise to tell everything to each other no matter what."segunda naman nito.

"I promise."then I pull him closer so that we could kiss each other.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now