Chapter 11

18 0 0
                                    

"Ikaw ba Lenna ay handang pumasok sa mga bar ng nakasuot ng sexing damit? At saka maayos ba iyang boses mo? Handa kadin naman sigurong mag waiter?"taas kilay na tanong ni Ted.

"Ay game ako dyan! Basta may datung game! Maganda boses ko, panlaban ako sa barangay namin sa mga singing contest!"masayang sabi ko.

"Ok kung ganoon ay sumunod kayo sakin, papakita ko sainyo ang bago niyong damit."nauna itong maglakad papunta sa isang kwarto, ng buksan ni Ted ang pinto ay tumambad sa amin ang maraming klase ng sexing damit.

"Eto! Halika, tignan mo."may kinuha itong isang tight dress na kulay itim na may kulay pula sa gilid at may nakalagay na pangalan ng company name ni Ted sa may bandang dibdib ang haba nito ay hindi pa aabot sa gitnang hita, ibig sabihin ay pagkatapos ng ilalim ng pwet ay may 1-inch lang itong dagdag na haba at kapag yumuko ka ay makikita na ang kaluluwa mo.

"Wow Ted! I like it!"tili ni Yumi at inagaw sa kamay ni Ted ang itim na dress para matitigan itong mabuti.

I wrinkled my nose as I imagine myself walking to the bar, while wearing that kind of clothes.

"Hindi ba masyadong maikli?"tanong ko sa dalawa.

"Ano kaba! Matino na ito, tignan mo itong isa."sabi ni Yumi at may kinuha itong isang pares ng fitted hanging blouse na kulay pink at pink din na fitted na short o pekpek short na ata ito.

"Lenna girl dapat iyang magaganda mong hita ay ipinapakita! Hindi yan tinatago!"sabi naman ni Ted.

"Okay, okay..wala na akong sinabi."taas kamay kong pagsuko sa dalawa.

They made me try the tight dress after we argue of not trying it. Sabi nila ay isusuot din daw naman namin iyon bukas.

"See! It look's good on you!" Sabi ni Ted na senegundahan naman ni Yumi.

"Fuck girl! Ano ba sikreto mo at ang sexy mo?"sabi ni Yumi habang pinapasadahan ng kamay ang curve sa aking bewang.

"Okay na. Nagandahan na ako, hindi niyo na ko kailangan bolahin."tumatawa kong sabi dito.

Nagtawanan kami at ng akmang babalik na ako sa fitting room ay bigla akong inawat ni Yumi para picturan ako na sinang ayunan ko naman.

"O pose! Iyong sexy!"ginawa ko ang sinabi niya, pose dito, pose doon. Hindi naman ako mahiyain sa camera kailangan iyon tanggalin kapag nagmomodel ka diba.

"Patingin."maya-maya'y sabi ko at inagaw ko ang cp nito. Pati si Ted ay nakitingin nadin.

"Girl ang ganda mo!"bulalas ni Ted ng matapos namin tignan ang mga kinuhang picture. "May kilala akong model agency, gusto mo puntahan natin minsan?"

"Naku talaga? Nag freelance lang kasi ako."interesado ako syempre. Kung magkakaroon ako ng manager ay dadami ang photoshoot ko at malaking pera ang ibig sabihin non.

"Wow ako din Ted sama mo!"pagmamaktol ni Yumi ng ako lang ang inalok nito.

Habang patuloy sa pagtatalo ang dalawa ay nagpalit na ako ng damit. Paglabas ko ay okay na sila at nakumbinsi na ni Yumi na isasama siya sa model agency na tinutukoy ni Ted.

Pagkatapos ng ilang oras na paliwanag at bilin ay pinauwi na kami ni Ted at para daw makabalik kami bukas para mag practice.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now