Chapter 42

27 0 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa mga trabaho na hindi ko padin natapos kahapon. Bumaba ako ng hindi man lang nag-ayos o kahit ano. Kasi diba? Kakain lang ako tapos ay aakyat ulit para maligo.

Pagbaba ko sa hagdan ay dinig ang nagtatawanan na mga kapatid ko, pati si nanay ay nakikipagbiruan din. Kaya naman ay mabilis kong tinungo ang dining para makisali sa tawanan nila.

"Good morni-"nabitin sa ere ang saya ko ng makitang nakaupo si Gabriel sa dining kasama ang mga kapatid ko at si nanay na mukang giliw na giliw sakanya.

"Good morning beautiful."nakangiti nitong bati. What the fuck? Nakangiti siya at nakikipagtawanan! Asan si Gabriel? Please! Ilabas niyo siya!

"Upo na nak."sumunod ako kay nanay, ang bakanteng upuan ay ang katapat ni Gabriel at sa kanan kaliwa ko naman ay si nanay. "Nak may muta kapa."

Tinawanan ako ni Gabriel. "Anong pake mo kung may muta pa ko ha!"sita ko dito. Dumeretso ako sa kusina at naghilamos at sinuklay ng aking kamay ang magulo kong buhok.

Pagbalik ko ay kumakain padin sila at nagbibiruan. Naglagay na ako ng kanin at ulam. "Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga ha?"

"Nakiki-almusal."simple nitong sagot.

"Bakit naghirap kanaba?"

"Hindi, masarap magluto si nanay kaya dito ko kumakain minsan ng almusal, tanghalian o kaya ay hapunan."

"What did you say?"gulat kong tanong. "Nagpupunta ka dito lagi? At bakit naman?"

"Anu kaba Lenna, hindi ko ba nasabi sayo na itong si Gabriel simula ng umalis ka ay laging dumadalaw dito."tinignan ko ng masama si nanay dahil sa sinabi niya.

Bumaling ako sa mga kapatid ko na nag-iwas lang ng tingin.

"Nay lagi tayo magkausap sa skype! Pero wala kang nabanggit. Tapos ngayon magdadalawang linggo na ako wala padin kayo nabanggit! Tapos yung nakaraan, ahh!.. kaya niyo ba binabanggit yung sa pag-aasawa ha!?"

Tumango lang ito at ngumiti. Si Gabriel naman ay biglang nanahimik, sumeryoso ang mukha nito na para bang may iniisip na malalim.

"Naku nay ha. May asawa iyang si Gabriel kaya kung balak niyo ho akong ipagtulakan sa kanya ay pasensya na lang."itinuloy ko ang pagkain ko at patingin-tingin sa gawi ni Gabriel na nakatitig lang sakin.

"Gabriel..?"hindi na naituloy ni nanay ang sasabihin dahil may isinenyas dito si Gabriel.

"Oh! Ano nanaman pinag-uusapan niyo?"tanong ko kay nanay at Gabriel.

"Wala."

"None."panabay na sagot ng dalawa.

Bakit pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako nitong mga to? Hindi to ayos ah. Saka kapag nagpatuloy si Gabriel sa pagpunta dito at lagi ko siya makita, pano na ang pag momove-on ko?

May sumipa sa paa ko kaya naman ay napasilip ako sa ilalim ng lamesa ng di-oras. Nakita ko ang paa ni Gabriel sa ilalim na walang suot na sapatos bagkus ay naka tsinelas lang itong pambahay kagaya ng suot namin. Nang makita ko na walang paa na gumagalaw ay umayos ulit ako ng upo.

Ngunit pagkaayos na pakaayos ko ay may humahaplos sa hita ko gamit ang paa. Napalunok ako ng makita ang nakangising mukha ni Gabriel na nakatitig sa akin.

Magda Lenna...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن