Chapter 27

11 0 0
                                    

Pagkadating sa resort na tutuluyan namin ay namangha ako sa linis ng dagat at sa ganda ng tanawin.

"Picturan mo ko!"ibinigay ko kay Lanz ang aking cellphone para makuhanan ako nito ng picture.

"Smile!"bumalik na ito sa pagiging masayahin. Kaya naman ay masaya din ako kasi hindi magiging boring ang araw ko.

"Selfie tayong dalawa!"inakbayan ko siya at nakipag selfie. Ngumiti kami pareho sa camera.

"Ang saya! Sana laging ganito!"bumaling ako sa paligid. May mga tao din na naglalakad sa buhangin at ang iba naman ay naliligo sa dagat.

"Halika na."inaya ako nito sa reception para kumuha na ng kwarto na tutuluyan namin.

"Two room please."sabi nito sa receptionist ng nakangiti.

Napansin ko naman na kinilig ang babae dahil sa ginawa nito. Kaya siniko ko ang tagiliran niya para magkaroon naman siya ng kahihiyan.

"Wait sir ichecheck ko lang."naghintay kami ng ilang segundo. Maya-maya'y nakakuha na kami ng dalawang kwarto at ibinigay na ang susi namin.

"Thanks."kinidatan nito ang babae na pinamulahan dahil sa ginawa nito.

"Your welcome sir."inirapan ko ang babae.

"Ang kiri."bulong ko at naglakad na palabas ng reception at hinanap sa mga nakahileramg villa ang kwarto na oukupahin ko.

"Hey."sinabayan ako nito sa paglakad. "I'm hungry. Kain tayo pagkatapos natin mailagay ang mga gamit natin sa room."

"Okay."sabi ko at nauna na akong maglakad.

Nakita ko agad ang kwarto na para sakin at katabi naman niyon ang kwarto niya. Pumasok na ko at inilapag ang aking gamit. Agad akong nagpalit ng two piece swimsuit at pinatungan iyon ng parang t-shirt na hanggang hita ang haba pero manipis at kita din ang katawan ko at swimsuit.

Pagkatapos magpalit ay lumabas na ako, nakita ko sa Lanz na nakatayo sa labas ng pinto at hinihintay ako. Nakapagpalit nadin ito ng damit.

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Saka ngumisi. "Tara na?"aya nito sakin.

"Sexy ko no?"pagbibiro ko sakanya.

"Yeah naniniwala na ko." Tumawa kaming dalawa habang naglalakad.

Pagkarating sa restaurant ay agad itong umorder. "Magkwento kanaman."

"Huh? Ano naman gusto mong ikwento ko?"tanong ko dito.

Nagkibit ito ng balikat at umayos ng upo. "About senyo ni Gabriel."

"Kami? Sus, walang kami. May nagyari samin, yes. Pero yung kaibigan mong iyon ay isang malaking pa FALL!"

Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo yung pagnakita niya ko bigla nalang niya kong hahalikan at aayain, yung parang namiss niya talaga ko ganon. Pero pagtapos may mangyari hindi na siya nagpaparamdam. Fuck you siya!"umiinit ang ulo ko dahil sa pag iisip ng mga ginawa ni Gabriel.

"Talaga?"tumango ako bilang pagsagot. Napansin kong kumuyom ang kamao nito at nagtagis ang panga.

May sasabihin pa sana ito ng biglang dumating ang inorder namin. Kaya naman nanahimik nalang ito at kumain.

"Tignan mo yun!"turo ko kay Lanz sa mga taong nakasakay sa banana boat na nalaglag sa tubig.

Matapos kumain kanina ay napagpasyahan namin na maglakad-lakad para naman magpababa ng kinain.

"Let's try that one!"sabi nito at hinaltak na ako papunta sa banana boat na walang sakay.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now