Chapter 21

5 0 0
                                    

Itinulog ko nalang ang pag-iisip ng kung anu-ano ng gabing iyon. Kung hindi niya ako kayang tanggapin sa kung ano ako, wala akong magagawa.

Dapat ko na siyang kalimutan dahil obviously naman na wala talaga siyang pakielam.

Beeeeeep...

Mama Belle:

Available kaba tonight?

Me:

Yes mama Belle, why?

Mama Belle:

May kliente ka. Birthday party. Game?

Me:

What time? Sino?

Mama Belle:

Si Atty. France.

Me:

Sige, anong oras?

Mama Belle:

8 mamayang gabi, susunduin ka dyan sa inyo.

Me:

Magkano?

Mama Belle:

Gaya din ng dati.

Me:

Ok. Gaya din ng dati wala tong churva ha.

Mama Belle:

Alam niya. Pinaliwanag ko na.

Me:

Ilan taon naba tong si Mr. France?

Mama Belle:

35. Gwapo yan.

Me:

May sabit?

Mama Belle:

Annulled daw.

Me:

Sige mag reready na ako.

Tinignan ko ang orasan at ng makita na alasais na ng gabi ay naligo na ako para makagayak na.

Pagtungtong ng seven thirty ay naka ready na ako sa suot kong white na long gown, tube ito at fitted sa bewang pero flowy ang style sa laylayan. Meron din itong kulay itim na telang see trough na inipon para maging belt ang style, ito ay para maging ribbon kapag itinali sa likod. Parang yung mga gown ng princess ganon may mahabang ribbon sa likod.

Nagsuot din ako ng glove's na hanggang siko ang haba na kulay itim din, sa pang ibaba naman ay kulay itim na 3" high heels. Hinayaan ko naman nakalugay ang natural na wavy kong buhok. At ang make up ay light lang para bagay tignan sa puti kong gown na may touch of black.

Habang naghihitay sa susundo sa akin ay kinakausap lang ako ni Cassy.

"Ate paglaki ko akin nalang yang mga dress mo ha."naka pout pa ito habang hinahawakan ang aking gown.

"Sige baby, bibigay sayo ni ate itong mga gown ko kapag hindi ko na nasusuot."

"Promise?"inilapit nito sa akin ang hinliliit para makagawa kami ng pinky promise.

"Promise."

May nadinig kaming busina sa labas at biglang pumasok si Millet para ipaalam na andyan na iyong susundo sa akin.

Pagkalabas ko ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan. Papaulanan nanaman kasi ako ng tanong ng mga kapit bahay kapag nagbagal pa ako sa pagsakay.

"Ok na kayo ma'am?"tanong ng driver na tinanguan ko lang.

Pinasibat na nito ang kotse at dinala ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Mr. France.

Pagkakita ko dito ay agad nitong hinalikan ang aking kamay nanatatakpan ng glove's. Sumakay din kami agad sa kotse at nagpunta sa isang subdivision kung saan gaganapin ang party.

Tama nga si mama Belle gwapo ito at matipuno pa. Kaya lang ay medyo tahimik. Serious type kagaya ni Gabriel. Shit!

"We're here."inalalayan ako nito sa pagbaba, agad akong kumapit sa kanyang braso habang naglalakad papasok sa loob ng isang mansyon.

Marami na ang tao sa loob ang iba ay nagkukwentuhan at nagpapasosyalan.

Ngunit napahinto ang mga ito ng makita ang pagdaan namin ni Mr. France. Hindi ito pinansin ng huli, bagkus ay lumakad papunta sa isang lalaki na may edad na. Baka siya iyong may birthday.

"Mr. Cuevas."nakipag kamay ito at saka bumati. "Happy birthday sir. By the way this is my date Ms. Rich. Lenna Rich."

Inabot ko ang kamay ko na tinanggap naman nito. Ngunit bago nito bitiwan ang aking kamay ay pinisil niya pa muna ito.

Hinawakan ako sa bewang ni Mr. France. Nakipagkwentuhan ito sa matanda, hindi ako mapakali dahil sa klase ng mga ipinupukol nitong tingin.

Pervert! Huli na to! Promise!

Magda Lenna...Where stories live. Discover now