Chapter 10

5 0 0
                                    

Lunes ng mapagpasyahan namin ni Yumi na magkita sa fastfood chain. Si Yumi ay isa rin sa mga alaga ni mama Belle kagaya ko.

"Lenna!"napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at agad kong nakita si Yumi na kumakaway sa akin.

Habang papalapit ako sa kanya, napapatingin naman ang mga taong kumakain sa gawi ko. I get that a lot, dahil sa maputi kong kulay na makaagaw pansin at ang banyaga kong itsura. Sanayan lang yan. Pssshhh.

"Kanina kapa?"tanong ko dito habang umuupo sa kaharap nitong upuan.

"Kararating ko lang din."sabi nito ng nakangiti na lalong nagpaliit sa singkit nitong mata. May lahi din kasi itong hapon, kung ako ang tatanungin ay maganda si Yumi sa singkit niyang mata, hindi katangusang ilong pero hindi naman pango, perfect white teeth, biloy sa gilid ng labi at labing parang laging nanghahalina. Maputi din ito at itim na itim ang mahabang buhok.

"Ang ganda naman nila. Papicture tayo."sabi ng mga kalalakihan na nasa gilid namin.

Tinignan ni Yumi ang mga lalaki at saka inirapan. "Tara na."baling nito sakin.

Natatawa akong sumunod kay Yumi palabas ng establishimento na iyon.

"Ang harsh mo!"tawa ko dito.

"Mahal ang beauty ko no!"natatawa din nitong sagot.

Lumapit ito sa isang kulay Pink na kotse na may mga design na Hello Kitty.

"Wow! Big time! Kailan pa to?"manghang tanong ko habang inililibot ko ang tingin sa bago niyang sasakyan na kulay pink at sinukahan ni Hello Kitty.

"Regalo sakin to ni tanda. Sakay na."pumasok ito sa loob at ganoon din ang ginawa ko. Panay Hello Kitty din ang laman ng loob ng sasakyan nito. Ang tanda na tinutukoy nito ay ang regular costumer nito sa pag eescort. Parang sugar daddy nadin niya.

"Kailan kapa nahilig kay Hello Kitty?"tanong ko dito ng nagmamaniobra na ito palabas ng parking.

"Actually, sinabi ko kasi kay tanda na gusto ko ng sasakyan. Tapos nakita niya yung nasa cellphone ko na picture ng car na panay Hello Kitty eh pinadala lang sakin yun ni KengKeng. Ayun akala niya ganon gusto ko."nakasimangot nitong sabi.

"Pero ok naman tong car mo eh. Mahal din ginastos niya dito panay Hello Kitty eh."

"Yeah, kaya nga tinanggap ko padin. Ikaw kasi maghanap kana ulit ng sugar daddy para magkaroon kanadin ng tsikot!"

"Hmmm. Ayoko ayos na ko sa pag eescort lang, saka parang hindi ko na maatim na halikan ako ng matanda, no offense ha, pero alam mo naman eh." Sabi ko dito na ipinagkibit lang nito ng balikat.

Habang nagdadrive ay sinasabayan lang namin ang kanta sa radyo at nagpipicture-picture.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa isang two storey na establishimento. Agad kaming bumaba at sabay na kaming naglakad papasok sa loob nito.

"Oh Yumi bumalik ka. Akala ko hindi kana babalik!"sabi ng bakla na bumungad sa amin na yumakap kay Yumi.

"Ted this is Lenna, and Lenna this is Ted ang may ari nitong papasukan natin."inilahad ko ang kamay ko ngunit agad ako nitong hinawakan sa balikat para makipag beso.

"Nice to meet you! Aba Yumi ha maganda, makinis at matangkad itong dala mo! Siguradong dadami nanaman ang raket natin nito."natutuwang hayag nito.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now