Chapter 12

2 0 0
                                    

Buong maghapon ng miyerkules ay wala ako masyadong ginawa, naghintay lang ako ng oras para sa hapon ay pupunta na ako sa opisina ni Ted.

Naglalaro ako sa aking cellphone ng may dumating na mensahe.

Mr. Lanz Galvez:

Hi, sorry sa nangyari nung isang gabi. Anyway pwede ba tayong magkita tonight? Para bayaran ko nadin iyong nakaraan. ;)

Me:

Sorry Mr. Galvez busy ako tonight.

Mr. Lanz Galvez:

Ganoon ba? Sa ibang araw? What do you think?

Me:

Busy din.

Mr. Lanz Galvez:

Iniiwasan mo lang ata ako eh.

Me:

Buti nakahalata ka.

Mr. Lanz Galvez:

Bakit naman? Mabait naman ako.

Me:

Tinatanong pa? Baka sugudin na ko ni Jenna girl dahil sayo! Mahal ko ang buhay ko no!

Mr. Lanz Galvez:

Don't worry about that. Akong bahala, you know, I just want to apologize personally.

Me:

Next time nalang, may raket ako ngayon. :)

Mr. Lanz Galvez:

Ok! That's good to hear. Just text me when your available. Bye!

Me:

K! Bye!

Ibinaba ko ang cellphone sa dibdib ko matapos kong masend ang huli kong message sakanya.

Dapat paba kong makipagkita? Dapat ata iwasan ko nalang siya, hay bahala na nga.

Habang nakatingin sa kisame ay bigla kong naalala ang mga mata ni Gabriel, kinagat ko ang aking pang ibabang labi dahil sa pagbugso ng mga ala-ala ng gabing iyon.

Fuck! Just fuck! Really! Dapat ko na nga lang talagang hindi pansinin si Lanz, dahil kapag nakipagkita ako sa kanya ay kung anu-ano nanaman ang maiisip ko.

Dapat ko silang iwasan dahil kahit kailan ay hindi naman ako babagay kasama nila, at dapat ko din itatak sa kukote ko na kahit kailan at kahit anong gawin ko ay hindi ako magugustuhan ni Gabriel.

Dapat kong kalimutan ang mga nararamdaman kong kakaiba tuwing naaalala ko siya. Sabagay baka crush lang ito. Mawawala din to paglipas ng ilang araw. Tama.

Pagtingin ko sa orasan ay napabalikwas ako ng bangon sa pagkakahiga ko sa sofa. Shit! Ganoon katagal akong tumunganga?

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si nanay sa may tindahan sa tapat, nililinisan nito ng kuko sa paa ang kababata kong si Elsa.

"Nay alis na ko."paalam ko at tinanguan naman ang isa.

"San lakad mo friend?"tanong ni Elsa.

"May raket ako ngayon."

"Sige na umalis kana at baka malate kapa."sabi ni nanay at hinalikan ko ito sa noo bago ako umalis. "Bye!" Paalam ko sa dalawa.

Pagkarating ko sa opisina ni Ted ay nandoon na si Yumi at ang iba naming makakasamang babae. Magaganda din sila at matatangkad. Iyon ata talaga ang kailangan sa trabaho na to.

"Girl bilisan mo malapit na tayong umalis."sabi ni Yumi habang kinukulot nito ang dulo ng mahaba nitong buhok.

Agad akong nagmadali sa pagbibihis. Tinulungan ako ni Yumi sa pag-aayos sa aking buhok na natural na may pagka wavy, habang ako naman ay naglalagay ng make-up.

Pumalakpak si Ted para kunin ang aming atensyon. "Girls anjan na yung service natin! Bilis!"sigaw nito at nagmamadali na kaming lumabas para sumakay sa sasakyan na maghahatid sa amin sa bar na pupuntahan namin.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now