Chapter 38

7 0 0
                                    

Kinaumagahan habang nag-aalmusal ay panay ang kulitan at asaran ng mga ito. Natutuwa ako, kaya naman ay naki asar nadin ako.

"Anak Lenna ilang taon kana nga ngayon?"biglang tanong ni nanay.

"Nay naman. Favorite daughter mo ko tapos hindi mo alam."pagtatampo ko dito.

"Ako kaya ang favorite."singit naman ni Cassy.

"Alam kong 30 kana, tinatanong ko lang para sigurado."sabi ni nanay.

"Bakit mo naman naisipan itanong nay."kumunot ang aking noo ng pakatitigan ako nito ng mataman.

"Ang creepy mo nay ha."

"Wala kapa bang balak mag-asawa?"biglang tanong nito.

"Oo nga ate, matanda kana."singit naman ng mga kapatid ko.

"Excuse me! Hindi pa ko matanda."natatawa kong sagot. "Wala pa akong natitipuhan nay. Paano ako mag-aasawa eh wala din akong boyfriend."

"Diba si kuya Marcus ay nanliligaw sayo? Ilang taon kanadin nililigawan non, bakit hindi mo pa sagutin ate."singit ni Joaquin.

"Nag-usap na kami ni Marcus tungkol dyan. Saka kayo ha. Kauuwi ko lang gisto niyo na ko mag-asawa. Nakakatampo."ngumuso ako at ipinagpatuloy ang pag-kain.

"Concern lang kami. Kasi tignan mo nabigyan mo na kami ng magandang buhay, dapat naman siguro ngayon na sarili mo naman ang isipin mo."nagtanguan ang mga ito dahil sa sinabi ni nanay. Ano ba yan bakit naman nila ko pinipilit? Eh sa wala pa nga.

Oo, nanligaw si Marcus. Pero 'hello' kaibigan lang ang turing ko sakanya at nilinaw ko iyon kaya naman ay huminto nadin siya sa panliligaw sakin, hindi pa nga lang alam nila nanay dahil hindi ko pa naikwento.

"Siya padin ba?"nasamid ako dahil sa sinabi ni nanay. Fuck!

"Ok ka lang ate?"inabutan ako ni Andrei ng tubig at hinagod-hagod ang aking likod.

"Nay! Ano ba yang sinasabi mo! Wala na nga akong balita sakanya saka baka may anak na iyon!"nakakainis naman tong si nanay imbes na hindi ko iniisip ay biglang isinisingit sa usapan.

"Eh kung ganon bakit hindi mo magustuhan si Marcus? Mabait naman iyonh tao!"inirapan ako nito.

"Nay hindi naman porke mabait ay magugustuhan mo na. Syempre hinahanap mo yung spark! Yung kinikilig ka pagnakikita mo siya."ngumiti ako ng maalala ko kung paano ako kiligin at kilabutan sa tuwing nakikita ko si Gabriel.

"Naku ewan ko sayo."

"Naku nay akala mo naman hindi mo iyon pinagdaanan."nagtawana kami ng mga kapatid ko ng sumimangot ang nanay dahil sa sinabi ko.

Let me think of it, kamusta na kaya siya? Ano nakaya ang itsura niya? Si Lanz kamusta na? Naka move-on na kaya siya?

Matapos kumain ay tumambay kaming lahat sa sala at nanood ng movie.

Nakapagdesisyon din ako na isearch sa social network ang pangalan ni Lanz para kamustahin ito.

Ngunit imbes na pangalan ni Lanz ang itype ko ay huli na ang lahat ng mukha ni Gabriel Montenegro ang lumabas. Bumulis ang tahip ng dibdib ko.

Makikita ko na siya pagkatapos ng maraming taon kahit sa ganitong paraan lang. Tinignan ko ang profile niya at nag scroll.

Literal na sumakit ang puso ko ng makita ang picture niyang kasama si Jenna at ang isang batang lalaki, nakangiti sila at masaya sa kuha na iyon. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, kaya naman ng makita ng mga kapatid ko na umiiyak ako ay nagdahilan nalang ako na naiyak ako sa palabas.

"Eh comedy yung palabas!"sabi ni Millet.

"Bakit ba eh naiiyak ako!"pagdadahilan ko at ngumaw-ngaw na ako ng tuluyan. Some part of me kasi ay umaasa padin. Pero sa nakita ko ay naglaho lahat ng pag-asa ko.

Fuck!

Magda Lenna...Where stories live. Discover now