Chapter 16

13 0 0
                                    

Matapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan namin. "Wala kang katulong?"tanong ko dito.

"Meron, pero wala din sila dito pag saturday and sunday. Pinapauwi ko para makapag day off din sila."

"Ah."binalik ko ang atensyon ko sa paghuhugas. Tinulungan ako nito sa pagtataob ng mga pinggan.

Pumunta kami sa sala at nanood ng TV. "Wala kabang girlfriend?"tinitigan ko ang maganda niyang mata para makakuha ng sagot.

Bumuntong hininga ito at pinatay ang TV bago ako binalingan. "Bakit naman kita dadalin sa bahay ko kung may girlfriend pala ako?"sarkastiko nitong sabi.

Nagkibit ako ng balikat. "Malay ko baka hindi ka masaya sakanya, ganon."

He pinch my nose. "Kung hindi ako masaya sa isang babae hihiwalayan ko nalang kesa naman mabansagan akong babaero."

"Sabi mo eh."sabi ko, but deep inside me ay masaya ako. Ibig sabihin ay single siya at ang isa pang nakapagpasaya sa akin ay ang kadahilanan na pwedeng masaya siya sa akin kaya ako nandito sa tabi niya. Shit! That made my heart jump because of happiness!

Nakangiti ko siyang ginawaran ng magaan na halik sa tungki ng ilong. At nakita ko siyang ngumiti sa akin for the first time. Ang gwapo niya! Sana lagi siyang ngumingiti. Hindi yung lagi siyang seryoso.

Kinabig niya ang ulo ko at hinalikan ako ng mapusok. Nang pareho na kaming hindi makahinga ay pinaghiwalay niya ang mga labi namin at pinagdikit ang noo ng hindi tinatanggal ang pagkakahawak niya sa likod ng ulo ko.

"Hahatid na kita. Baka kung saan nanaman to mauwi."tumayo ito at hinaltak ako sa taas pabalik sa kwarto niya.

"Maliligo at magbibihis lang ako. Dito kanalang manood ng TV."umayos ako ng upo sa kama at isinandal ko ang aking ulo sa headbord. Siya naman ay binuksan ang TV at walang pakundangan na naghubad sa harap ko at dumeretso sa banyo.

Sana magtuloy-tuloy ang magandang pakikitungo niya sakin, kahit hanggang duon lang muna. Kahit sex lang ang habol niya at wala siyang balak na seryosohin ako ay okay lang. Basta ba lagi kong nararamdaman tong kakaibang saya sa puso ko.

Handa akong masaktan sa huli. Alam ko naman kasi kung anong sitwasyon ko at alam ko kung saan ilulugar ang sarili ko.

Habang nangangarap at nag-iisip ako ay biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext.

Nanay:

San kana? Bakit hindi ka umuwi kagabi?

Me:

Maya ko nalang po papaliwanag. Pauwi nadin po ako.

Biglang bumukas ang pinto sa banyo at lumabas ang mamasamasang si Gabriel. The water drip in every cut of his muscle's, it flow's down to his buttocks and to his v-line, and no shit sherlock it really look's good on him. Hindi ko mapigilan ang titigan siya habang nakaipit sa bewang niya ang tuwalya at ang isa naman ay ipinupunas niya sa kanyang basang buhok.

Napakagat ako sa aking labi ng bigla itong bumaling ng tingin sa akin, agad kong ibinalik ang tingin sa cellphone ko para itago ang pagkamangha ko sa kagwapuhan at kakisigan niya. Nagtipa nalang ako ng mensahe para kay nanay.

Nanay:

Sige ingat sa pag-uwi.

Me:

Ok po.

"Sinong katext mo?"tanong nito at lumapit sa akin.

"Ah si nanay, may tinanong lang."tumayo ulit ito para pumunta sa walk-in closet. Paglabas ay nakabihis na ito ng pantalon at plain T-shirt na kulay puti.

Fucking libido! Wala bang oras na hindi ako mamamangha sakanya? Kahit ganyan lang ang suot niya?

Magda Lenna...Where stories live. Discover now