Chapter 28

3 0 0
                                    

Masasabi kong nag enjoy kaming dalawa sa mga pinaggagagawa namin sa tatlong araw na pag stay namin dito. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan habang pinapanuod ang papalubog na araw.

"Ang ganda no?"sabi ko dito ng hindi tinatangal ang tingin sa karagatan.

"Yeah."

"Lanz!"napalingon kami sa sumisigaw ng pangalan ni Lanz.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng mapagsino ang tumatawag at kung sino ang nasa likod nito na naka denim short at sando lang na puti. Shit! Anong ginagawa nila dito?.

Tumayo si Lanz para salubungin si Jenna na hilam sa luha ang mga mata at pak! Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa pisngi ng kawawang si Lanz.

Tumayo na din ako para daluhan si Lanz na nabigla sa ginawa ni Jenna.

"Okay ka lang?"tanong ko dito.

Tumango ito sa akin at tumingin kay Jenna na puno ng hinanakit ang mga mat. "Masaya kana?"

Umiyak si Jenna sa dibdib ni Gabriel. Shit! Masakit palang makita na may ibang kayakap yung taong gusto mo. Parang gusto ko nadin umiyak ng umiyak.

"Anong ginagawa nila dito Lanz?"takang tanong ko at iniiwas ang tingin sa dalawa habang tinatahan ito ni Gabriel.

"I'm sorry Lenna."yumuko ito. "Ginamit kita para malaman ko kung mahal paba ako ni Jenna."at tumingin ito sa dalawa na ngayon ay nakatingin din sa amin.

Hindi ko natakasan ang matatalim na titig na ipinupukol sa akin ni Gabriel. Pero hindi ko iyon pinansin dahil sa sinabi ni Lanz.

"Kaya mo ba ko inaya dito para malaman mo kung susundan ka ni Jenna dito?"may hinanakit kong sabi.

Tumango ito. "Masaya kana? Ngayon alam mo na namahal kapa niya?"binalik ko ang tingin ko sa dalawa.

"Shut up bitch! Wala kang alam dito!"sigaw ni Jenna sa akin.

"Ikaw ang bitch! Gago ka pala eh mahal mo si Lanz pero si Gabriel ang kasama mo!?"wait fuck bitch din pala ko dahil gusto ko si Gabriel pero si Lanz ang kasama ko. Aarrrrggghhh!

"Lenna! Stop that! Don't talk to Jenna like that!"malumanay ngunit may diin na sabi ni Gabriel.

"Jenna niloloko ka ni Gabriel."biglang sabi ni Lanz.

Naguluhan ako lalo dahil sa sinabi nito. "Teka nga! Ano ba ang nangyayari dito? Kayo bang dalawa ay mag syota!?"turo ko kay Jenna at Gabriel na si Lanz ang sumagot.

"Ikakasal na sila, at nagagalit ako dahil sa ginagawa ni Gabriel na panloloko kay Jenna dahil may nangyayari sainyong dalawa!"

In that moment my heart shuttered into pieces. Nangilid ang luha sa mata ko. Tang ina. May fiance siya tapos, ano ako? Bullshit!

"Tumahimik ka Lanz, alam nating tatlo na para sa negosyo lang ang kasal nato."sabi ni Gabriel.

"No. You're using Lenna para nadin gumanti dahil sa pagkamatay ng mommy mo hindi ba?"tumingin sakin si Gabriel at nagtagis ang mga panga.

"Lanz tumigil kana. Napag-usapan na natin to!"pagmamakaawa ni Jenna.

"Ipaliwanag mo nga sakin Lanz kung paano nangyari na nadamay ako sa pagkamatay ng nanay niya."tinuro ko si Gabriel gamit ang nanginginig kong kamay. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.

"Lemmuel Montenegro."sabi ni Lanz, ngunit hindi siya sa akin nakatingin kung hindi kay Gabriel. "Doesn't ring any bells?"saka ito bumaling sa akin ng hindi ako sumagot.

God damn it! Fuck! Tuluyan na akong umiyak dahil sa narealize ko.

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon