Chapter 9

4 0 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si nanay at ang mga kapatid ko. Tinignan ko ang oras at ng makita na alas dose na ay agad akong nag-inat at bumangon.

Dinampot ko ang aking tuwalya at lumabas ng kwarto, nakita ko doon ang mga kapatid ko na nanonood ng TV.

"Oh buti bumangon kana. Papagising na sana kita eh."sabi ni nanay ng makita na gising na ako.

"Goodmorning."ngumiti ako at hinalikan ito sa noo.

"O sya kain na, nakaluto na ko. Tumayo na kayo dyan at kakain na!"tawag nito sa mga kapatid ko na agad naman lumapit.

Umupo ako sa isang silya at agad na sinandukan ng kanin ang mga nakababata kong kapatid.

"Thank you ate."sabi ni Cassy at kinurot ko ito sa pisngi.Nagpasalamat din si Andrei at Mica.

"Aalis kaba ulit ngayon?"tanong ni nanay habang kumakain kami.

"Opo, pupuntahan ko iyong sinasabi ni Yumi na part time job."

"Anong klaseng part time job naman yan?"masungit na tanong nito. Alam niya kung anong trabaho ko. Minsan ay pinapagalitan niya din ako at pinangangaralan. Pero wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ko at nangako ako sakanya na hihinto na ako sa pag'eescort kapag nakatapos na si Jojo at nakapagtrabaho.

"Singer nay, sa mga bar yon. Kapag wala kasi yung mga banda o kaya yung regular singer saka kami pumapasok sa eksena, tapos kumanta nagseserve nadin ng mga drinks sa mga costumer."

"Ganoon ba? Malaki daw ba ang kita doon?"

"Sabi ni Yumi pwede daw akong kumita 1,000 sa tip palang. Bukod pa iyong bayad samin na another 1,500 kada may lakad."

"Bahala ka. Pero kung maganda ang kita mo dyan baka pwede naman anak na huminto kana sa isa mong trabaho."makahulugan nitong saad na agad ko namang nakuha.

"Titignan ko po."sabi ko ng nakayuko.

"Eh kamusta naman iyong naging lakad mo kagabi ate mukang mayaman iyong sumundo sayo ah, sabi ni kuya John mamahalin daw iyong kotse na ipinang sundo sayo."

"Tumahimik ka nga Jojo at wag ka ngang nakikinig kay John."sita ko sa kapatid ko.

"Eto naman nagtatanong lang eh."tumayo ito at inilagay sa lababo ang pinagkainan at saka lumabas ng bahay.

"Bilisan niyong kumain at huhugasan ko pa yan, may lilinisan akong kuko sa kanto kaya Millet ikaw munang bahala sa mga kapatid mo."tumayo nadin ako at nilagay sa lababo ang pinagkainan sabay dumeretso sa banyo para makaligo.

Habang nakatapat sa shower at nakapikit ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa amin ni Gabriel, hanggang ngayon ay nararamdaman ko padin ang init ng halik niya sa aking katawan.

Dumilat ako at pilit na iwinawaksi sa aking isipan ang mga nangyari. Hindi ko na dapat iyon iniisip dahil wala naman yon maidudulot na maganda sa akin. At dapat na kalimutan ko na siya dahil himala lang kung magkukrus pa ulit ang landas naming dalawa. At kapag nangyari iyon ay sigurado naman akong hindi na niya ko papansinin or worse ay hindi na niya ko naaalala.

Tsskk. Tama na ang pagpapantasya sakanya! Kaya imbes na ubusin ko ang oras ko sa kakaisip sakanya ay naligo nalang ako ng matiwasay.

Magda Lenna...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن