Chapter 15

9 0 0
                                    

"Don't wear that kind of clothes again, para hindi ka nababastos."sabi nito at inihagis sakin ang isang white dress na galing sa walk-in closet nito.

Kung iniisip niyo paano ako napadpad sa bahay niya ay hindi nadin ako sigurado. Ang naaalala ko lang ay hinaltak ako nito papunta sa sasakyan nito pero bago pa ko makapasok ay tinawag ako ni Yumi at tinanong kung saan ako pupunta.

Kinuha ni Gabriel ang kamay ko at ipinagpaalam ako kay Yumi at sinabing siya na ang bahalang maghatid sa akin pauwi. Kaya pareho kaming walang nagawa ni Yumi kundi sumunod, kagaya ng sabi ko ang mga mata ni Gabriel ay nakakahipnotismo. Mukang nahipnotismo din si Yumi kaya pagtango nalang ang nagawa nito.

Ang sunod ko nalang na naaalala ay ang pagdating namin sa bahay nito. At ang pagkalasing ko sa bawat halik nito sa aking labi at katawan.

"Hey are you listening?"kunot noong tanong nito sa akin. Napatingin ako sakanya, bumaba ang tingin ko sa nakahantad pa nitong katawan, hindi nga ako nagkamali ng isipin kong maganda ang katawan niya at may abs.

"Shit! Please Lenna don't give me that look."lumapit ito at kinitalan ako ng halik sa labi. Okay. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Medyo may tama pa ata ako dahil sa ginawa namin kagabi.

"Magbihis kana, I'll cook breakfast for the both of us."malambing nitong wika, at agad na lumabas ng kwarto.

"Shit! I'm doom!"napahilamos ako sa aking mukha. Ang bilis ng pintig ng puso ko ay hindi ko na makontrol. Don't give me that fall's hope again Gabriel.

Matapos maligo at makapagbihis ay lumabas na ako. Luminga muna ako sa kanan at kaliwa, sa kanan ay may isa pang pinto at sa tapat niyon ay ang hagdan sa kaliwa naman ay isang bintana, makikita ang dead end pero may pader na katapat itong kwarto at may pinto din sa tapat.

Lumabas ako at bumaba na ng hagdan, inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko iyon nagawa kagabi dahil sa pagmamadali nito. Pagbaba ng hagdan ay makikita ang receiving area at ang front door, sa kaliwa ng hagdan ay may open way papunta naman sa sala. Sa kanan ng hagdan ay ang kusina at dining area. Pumasok ako doon at dinaanan ang dining papunta sa isa pang pinto na papunta naman sa kusina.

Masasabi ko na maganda ang bahay niya dahil sa kulay nito na panay black and white, sigurado na kapag pumasok ka ay malalaman mong lalaki ang nakatira.

"Hi."umupo ako sa high chair at pinagmasdan ito sa ginagawang pagluluto.

"Malapit na tong maluto."sabi nito.

"May maitutulong ba ko?"tumayo ako para lumapit sa kanya.

"Sure, just ready the table. The plate's and glasses are in there and the spoon and fork are there."itinuro nito sakin kung saan nakalagay ang mga kukunin ko.

Pagkakuha ko ay inayos ko na agad sa lamesa. Sakto naman ang pag lapag nito sa mga niluto.

Umupo kami at hinainan niya ako ng pagkain sa aking pinggan at sinalinan ng juice sa baso. "Thanks." May mga paro-parong gumapang sa aking tiyan dahil sa kasweetan nito.

Dinampot ko ang kutsara't tinidor at nag-umpisa ng kumain. "Wala kabang pasok ngayon?"tanong ko dito.

"Saturday and sunday is my day off, why?"

"Oh, I just thought. Nothing."tinitigan ako nito sa mata na nakapagpailang sakin.

"Ihahatid kita pagtapos kumain."kapagkuwa'y sabi nito.

"Hindi na mamamasahe nalang ako."uminom ako sa baso at inihinto na ang pagkain. Nawalan ako ng gana dahil sa sinabi nitong ihahatid ako pagtapos kumain. Para tuloy ayoko ng kumain.

"Ubusin mo yan."sabi nito na ang tinutukoy ay ang pagkain ko.

"Ayoko na. Wala na kong gana."

"Kaya ang payat mo eh."itinuloy nito ang pagkain habang pinapanuod ko lang siya.

Ayoko pang umuwi at iyon ang totoo, natatakot akong kapag umuwi ako ay babalik na sa dati ang lahat. Iyong magigising nalang ako bigla na panaginip lang pala ang mga nangyari. Natatakot ako sa isipin na walang Gabriel na dumaan sa buhay ko.

Magda Lenna...Kde žijí příběhy. Začni objevovat