Chapter 35

4 0 0
                                    

Pagkarating namin sa ospital ay sobra-sobra ang tahip ng dibdib ko. Parang ayaw ko na gusto ko siyang makita.

Sinusundan ko lang si Mr. France sa paglalakad. Hindi ko nadin napapansin sa paligid dahil sa mga iniisip ko.

Anong una kong sasabihin sakanya? Anong dapat kong maging reaksyon? At ano din kaya ang magiging reaksyon niya pagnakita niya ako? Haist! Bahala na nga.

Huminto si Mr. France sa isang pinto at ng akmang bubuksan na niya ito ay hinawakan ko ang braso niya para pigilan.

"Mr. France wait. Kinakabahan ako."sabi ko dito.

Nginitian ako nito at saka nagsalita. "Don't. He's a good man."

Shit! Ngumiti ba talaga siya? Parang naghahalucinate lang ata ako.

Great ang galing ng iniisip ko. Si tatay ang dapat na iniisip ko hindi ang ngiti ni Mr. France!

"Game?"tanong nito. Huminga ako ng malalim ng tatlong beses at saka nito binuksan ang pinto ng makitang tumango ako.

Nauna siyang pumasok sa loob habang nasa likod niya lang ako. Hindi ko makita ang mukha ni tatay dahil ayokong umalis sa likod ni Mr. France. Lumapit ito sa kama at saka kinausap si tatay para ipaalam na nandito na ako.

Sinenyas ni Mr. France na lumapit ako. Napatuwid ako ng tayo ng makita ang mukha ng sinasabing tatay ko daw. Really? Siya yung amerikano na nakita ko nung nakaraan sa caffé na pinagkitaan namin ni Lanz bago kami nagbakasyon.

"Hi."bati nito sa akin. Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata.

"Ah hello?"nag-aalangan ako kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"You may sit here. Itinuro nito ang silya na malapit sa kama nito."simunod ako sa gusto niya. Kasi sa totoo lang nanlalambot na ang tuhod ko dahil sa nakikita ko sakanya.

"Maiwan ko muna kayo."paalam ni Mr. France sa akin at kay tatay na tinanguan naman ng huli.

Pagkalabas ng ointo ni Mr. France ay isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin dalawa. Nakatitig lang ito sa akin habang pinipilit na ngumiti. Mababakas sa mukha nito ang katandaan at pagod.

"How are you?"basag nito sa katahimikan.

"I think I'm okay."tumango lang ito sa isinagot ko.

"I'm sorry for all my negligence toward's you."nangingilid ang luha sa mata nito at nanginginig ang mga labi habang nagsasalita.

Hindi ko maiwasan ang maawa. Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "It's okay. I undertsand."tumango tango ako bilang pagkumbinsi sa kanya at sa sarili ko nadin.

"Let me spare my excess time with you, while I'm still here."ngumiti ako sakanya at tumango bilang pagsang-ayon.

Sino ako para hindi patawarin ang taong ito? Siya parin ang tatay ko, matagal kong pinangarap ang makita at makilala siya. Uubusin ko pa ba iyon sa pagtatampo gayong limitado nalang ang oras nito?

"Do you want something to eat?"tanong ko dito kapagkuwan.

"No. I'm good."hinawakan nito ang mukha ko ng lumapit ako sakanya. "You're beautiful."

Ngumiti ako. "Thank's to you and to nanay."

"Yeah that's right." Tumawa ito dahil sa sinagot ko. "How about your mom, how is she?"

"She's okay. You know what? Sometime's I think she's still into you."tumawa kami pareho. Nakakagaan ng loob, kapag wala kang hinanakit sa loob mo. Hindi ba?

Magda Lenna...Where stories live. Discover now