Chapter 30

6 0 0
                                    

Naging pabigat at problema ako kay Lemmuel. Nakaapekto ako sa pamilya niya. Hindi siya umaalis sa tabi ko kapag kailangan ko siya. Kahit kailan ay hindi siya nagreklamo.

Hanggang sa ibalita sa TV at dyaryo ang pagpapakamatay ng asawa nito. Namanhid ang buong katawan ko habang naka upo at pinapanuod ang mga nangyari.

Nang araw na iyon ay umiyak ako ng umiyak sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa asawa nito. Isang buwan na ang nakalipas simula ng mamatay ang asawa nito at hindi padin dumadalaw si Lemmuel.

Isa lang ang naisip ko, ang lumayo na ng tuluyan at baguhin nalang ng mag-isa ang buhay ko. Hindi ko na siya kinontak, iniwanan ko lang siya ng sulat na naglalaman ng paghingi ko ng tawad sa mga nangyari at sa mga kasalanan ko sa pamilya niya.

"I-I'm sorry...i'm sorry..huhu"hingi ko ng tawad kay Gabriel na nakatayo padin sa harap ko. Kahit paulit-ulit akong humingi ng tawad ay hindi ko na maibabalik sa dati ang dapat ay masaya niyang pamilya.

"Patawarin mo...ako..sa nagawa ko...sa pamilya mo.."patuloy sa paglandas ang mga luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan.

Ang lalaking gusto ko ay ang lalaking sinira ko ang pamilya. Hindi ko siya sisisihin kung kinamumuhian niya ako ngayon. Lumuhod ako sa harap niya para ipakita ang paghingi ko ng kapatawaran sa nangyari sa mommy niya.

"What the hell woman! Stand up!"galit nitong sabi.

Hinaltak niya ang braso ko para makatayo. Nagtama ang tingin naming dalawa. Hinawakan nito ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"Sshhhhh..."pagpapatahan nito sakin. Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kanyang hinlalaki, ngunit sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang lumabas ang mga luha na sanhi ng sakit at pagsisisi.

Pilit kong pinipigilan ang luha ko sa pagtulo. Ilang beses akong huminga ng malalim bago ko tuluyang napakalma ang aking sarili.

Habang ginagawa ko iyon ay nakatitig lang ito sakin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, dahil walang mababakas na emosyon sa mukha nito.

"Sorry talaga."panimula ko.

"Galit ako sayo, galit na galit..alam mo ba yon?"tumango ako bilang sagot at saka nagbaba ng tingin. "Hey look at me."sabi nito at saka itinaas ang aking baba para magpantay ang tingin naming dalawa.

Tumingala ito at bumuntong hininga, ilang sandali pa ay nagbaba ito ng tingin at siniil ako ng halik na ikinagulat ko. "Damn!"bulalas nito at lumayo ng isang dipa.

Natulala ako sa nangyari. Ang daming tumatakbong tanong sa utak ko. Napatawad niya naba ako? Ginagamit nanaman ba niya ko? Parte ba to ng paghihiganti niya sakin?

Bakit sobra akong naapektuhan ng simpleng halik niya. Ilang segundo kaming nagtitigan bago nito binasag ang katahimikan.

"Sorry dahil nadamay ka sa gulo nung dalawa."nag iwas ito ng tingin at saka sinuklay ng kamay ang buhok.

"Naiintindihan ko. Parte yon ng plano nyo."bumaling ito sa akin at kumunot ang noo.

"Anong sinasabi mo?"nagtataka nitong tanong.

"Diba kaya ako kinuhang escort ni Lanz ay para magkita ang landas nating dalawa nung gabing una tayong nagkita?"

"What? Who told you that? Hindi nga kita kilala ng gabing iyon. Kung hindi pa kayo nagkasagutan ni Jenna ay hindi ko pa maiisip na ikaw yung Lenna na sumira sa pamilya ko."

May dumaang sakit sa puso ko dahil sa sinabi niya. "Akala ko kasi.."

"Okay.."bumuntong hininga ito. "galit ako sayo okay? Noong nalaman ko nung gabi na iyon na ikaw yung babaeng sumira sa pamilya ko gusto kong sirain ang buhay mo gaya ng pagsira mo sa buhay ko."

"Fuck! Sinong hindi gustong gumanti sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng mommy ko."

Magda Lenna...Where stories live. Discover now