Chapter 48

3 0 0
                                    

Bumuntong hininga ito at inakay ako na maupo sa isang mahabang sofa na nasa harap ng table nito. Ito naman ay naupo sa pang isahang sofa na nasa kaliwa ng inuupuan ko.

"Walang may kasalanan sa pagkamatay ng asawa ko Lenna, at hindi ako galit sayo. Kaya hindi na ako nakapunta sayo ay dahil pinababantayan ako ng mga magulang ng asawa ko ayokong mapahamak ka at isa pa ay nagkapatong-patong ang problema sa opisina ng mga panahon na iyon."tumitig ako sa mukha niya. Mikikita dito na hanggang ngayon ay nasasaktan padin ito sa nangyari sa asawa nito.

"Pero kung hindi mo ako nakilala sana masaya padin kayo ngayon."malungkot kong sabi at saka yumuko.

"Maybe, maybe not. Kung hindi kita nakilala edi sana wala akong natulungan tao."nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakangiti na ito sa akin.

Paano kong hindi napansin ang malaking pagkakahawig ng mag-ama? Magkamukhang magkamukha sila. Ang tanging pagkakaiba ay masyadong seryoso si Gabriel habang si Lemmuel naman ay palangiti.

"Patawarin mo ako. Salamat din sa lahat ng naitulong mo. Kaya ako nagpunta dito ay para humingi ng tawad sa mga kasalanan ko sa pamilya mo at para makapag pasalamat nadin sa lahat ng naitulong mo sakin noon."tumango-tango ito.

"Pinapatawad na kita kung ganoon. At walang anuman. Hmmm... I heard that you're now a lawyer. Is that true?"may pagkamanghang tanong nito.

"Yup. See. Nakapag-aral ako at nakatapos sa propesyong gusto ko."gumaan na ang pakiramdam ko knowing na hindi siya nagtanim ng galit at hindi niya ako sinisisi sa pagkawala ng asawa niya.

"Wow.. that's great. Kung may kaso akong ipapahawak ay sayo ko nalang ibibigay para naman makabawi ka sakin."tumawa ito dahil sa naging reaksyon ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Malaking kaso ang sinasabi nito at sigurado ako doon. Ngunit ngumiti din ako at tumango para tanggapin ang sinasabi niy.

"How's was your mom and sibling's?"

Sa tatlong oras na iginugul ko doon ay nawala ang bigat at pasanin ko sa maluwag na pagtanggap sa akin ni Lemmuel. Nagkwentuhan lang kami at nagbalik tanaw. Sabay na tumatawa sa mga kwetong nakakatawa ng bawat isa.

"Lenna dito kana kumain ng hapunan, sabayan mo ako at nalulungkot akong kumakain akong mag-isa. Yung nag-iisa kong anak ay hibdi man lang ako dalawin dito."

"Huh? Hindi ka dinadalaw ni Gabriel?"takang tanong ko.

"Kilala mo ang anak ko? Hmmm.. simula ng mamatay ang mommy niya ay naging malamig na ang pakikitungo niya sakin at hindi na niya pinakinggan ang mga paliwanag ko."nagkibit ito ng balikat.

"Ah..si Gabriel at ako. Ano.. ahm boyfriend ko po si Gabriel."

"Is that so? Kung ganoon ay welcome to the family."tumatawa nitong sabi.

"Salamat po."

"Tawagin mo kong daddy. At bigyan niyo na ako ng maraming apo. Naiinip na ako dito, ayoko naman na sa opisina at wala na akong ginagawa doon."hinawakan nito ang likod para igiya ako palabas ng library.

Ngumiti ako dito dahil sa sinabi nito at ganoon din ang reaksyon ng mukha nito. Pagbukas ng pinto ay pareho kaming nagulat sa humahangos na si Gabriel.

"Gabriel."mahing tawag ko sa pangalan nito.

Napatingin ito sa amin na galit na galit. Dumako ang mata nito sa kamay ng daddy nita na nakahawak sa likod ko.

"Fuck!"agad itong lumapit at hinaltak ako palayo sa daddy niya. "What are you doing here!?"

Magda Lenna...Kde žijí příběhy. Začni objevovat