Chapter 5

16 0 0
                                    

"How old are you?"maya-maya ay tanong sakin ni Jenna.

"22."walang gana kong sagot.

"Saan ka nakatira?"taas kilay nitong tanong. Hindi ko pinahalata na unti-unti na akong kinakabahan sa tanong niya.

"Bakit dadalawin mo ko?"tinaasan ko din siya ng kilay. Pero hindi nawala ang kaba na unti-unting namumuo saakin bagkus ay nadag-dagan pa dahil lahat ng atensyon ay saakin na nakatuon, kahit ang mga mata ni Gabriel ay nakatuon na sa akin.

"Why should I pay you a visit? We are not even friends."makikita sa mukha nito ang pagkairita dahil sa pabalang na pagsagot ko.

"Oh. Akala ko kasi dadalaw ka."ngumisi ako at dinampot ang inumin na nasa lamesa para sumimsim.

"Your name is Lenna right?"inis na sambit nito.

"Yeah. Why?"

"Lenna..."pag-uulit nito sa pangalan ko na parang may inaalala. "I knew it!"maya-maya'y sabi nito ng naka ngisi. Hindi ko mapigilan ang kabahan dahil sa sinabi nito.

"She's that bitch Gab!"tinuro niya ako at nag umpisa nang magbulungan ang mga kasama namin sa table.

"Yes I'm a bitch, but don't you dare point your finger on me!"asik ko dito. Nag-uumpisa na akong mainis at magalit sa babaeng ito ha. At ano naman ang paki-elam ni Gabriel?

"Your a family wrecker!"galit nitong sigaw. Nag uumpisa na kaming makahakot ng atensyon sa ibang lamesa.

Pero ang nagpagulat sa lahat ay ang ginawa kong pagbuhos ng laman ng basong hawak ko sa galit niyang mukha. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa ginawa ko.

Namula agad ang mukha nito dahil sa galit at tumayo para umalis. Nakatingin saakin ang ibang kasama namin sa table at umiiling. Ang iba naman ay sumunod sa pag-alis ni Jenna.

"What?"takang tanong ko, ng walang sumagot ay ipinagkibit balikat ko nalang. Inilapag ko ang basong hawak ko at bumaling kay Lanz.

Hindi ito mapakali sa kinauupuan at palinga-linga. Ok, now I know kung bakit niya ko dinala dito. Para may magselos. Nagsinungaling siya nung tinanong ko siya kanina. Sabi ko na nga ba at ito ang mangyayari. At sigurado naman ako na hindi ako ang kakampihan niya. Sino ba naman ako? Hindi ba?

"It's ok. Sundan mo na."sabi ko dito kapag kuwan. Ganoon din naman, mukang hindi ko din naman siya makakausap ng maayos dahil mukang iba naman ang gusto niyang kausapin.

Tumayo si Lanz at bumulong. "Sorry, papahatid kita sa driver ko. Just text me kung gusto mo ng umuwi."

"Ok. Give me your number."inabot ko sakanya ang cellphone ko na agad naman nitong kinuha at nagtipa, ng inabot niya pabalik sa akin ang cellphone ay andoon na ang number nito.

He kiss me on my cheek and dumeretso na sa kung saan dumaan si Jenna kanina. Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga kasama ko sa lamesa na iyon.

Fuck! Ano ba tong pinasok ko? Dapat pala tinanggihan ko nalang tong si Lanz, kung bakit naman kasi may kutob na ako kanina hindi ko pa sinunod. Sa pagtingin sa kanila ay napagtanto ko kung gaano kalayo ang pagitan ko sakanila. Hindi ako nababagay sa lugar na to. Hindi nila kailangan mag escort para lang makapunta sa ganitong klaseng lugar. Samantalang ako, kailangan ko pang ibenta ang sarili ko para lang makakita ng magagandang bagay na tanging mayayaman lang ang nakakakita.

Agad kong dinampot ang purse ko at tumayo. Naglakad ako sa dereksyon na hindi ko alam kung saan papunta. Mahina ako sa dereksyon that's for sure, but this time I let my feet lead the way out of this fucking place. Wala akong pake sa paligid, wala akong pake kung maligaw ako. Ang kailangan ko ay makalabas para makahinga ng maayos.

When I reach the exit. It turn's out na parking area pala ang napuntahan ko. I stop and look around, may nakita akong ibang tao na nakatambay at naninigarilyo habang nakikipag kwentuhan. Maya-maya ay tinapon na ang sigarilyo at pumasok na ulit sa loob.

Naglakad ako malapit sa basurahan at naglabas ng stick ng sigarilyo. Sinindihan ko ito at dinala sa aking labi para humithit ng usok na galing dito, naiinis ako, I feel so small with them.

Habang patuloy ko iyon na ginagawa ay biglang may nakisindi sa akin. Napatingin ako sa inaabot nitong yosi. Shit! Pati yosi mamahalin!

Magda Lenna...Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora