Chapter 29

7 0 0
                                    

Mabilis akong umalis kung nasaan silang tatlo, ayoko. Ayoko ng madinig ang kung ano mang sasabihin nila. Tinalikuran ko na yon! Ayoko ng balikan ang mga panahon na yon!

Bago pa ako makapasok sa loob ng kwartong tinutuluyan ko ay may humawak na sa kamay ko para pigilan ako. Lumakas ang pag-iyak ko ng makilala ko ang may ari ng kamay na pumipigil sa akin.

Si Gabriel na ang nagbukas ng pinto pagkatapos ay itinulak niya ako papasok sa loob at isinara ang pinto.

"Ano pang ginagawa mo dito!?"kahit hilam sa luha ay pilit kong tinitigan ang mukha nito na puno ng galit at hinanakit para sa akin.

"Stop crying."iyon lang ang sinagot niya. Natatakot ako sa galit na nakikita ko sakanya.

Ngayon naisip ko na lahat mula umpisa. Hindi ito isang aksidente lang na pagkikita o pagkakakilala, pinlano nila to para gumanti sa kasalanan na matagal ko ng pinagsisihan.

Oo naging kabit ako ng daddy niya sa paningin ng lahat. Binigyan niya ako ng magandang bahay, magarang sasakyan binihisan at pinakain. Bakit ko nagawa yon? Dahil sa galit at pagkasuklam kay Henry na tatay ng mga kapatid kong sila Jojo, Joaquin at Millet.

Ayokong umuwi ng bahay dahil alam kong nandon nanaman ang walang hiyang iyon. 18 ako ng pinagsamantalahan niya ako, kinuha niya ang kainosentehan ko. Galit ako sakanya, galit na galit. Hindi ko agad sinabi kay nanay ang ginawa ng hinayupak na iyon dahil ayokong madamay ang mga kapatid ko.

Simula noon ay naghanap ako ng trabaho at bihira na umuwi, lagi akong nakikitulog sa mga kaibigan ko, hanggang makilala ko si mama Belle na nag alok sa akin na maging escort. Dahil sa pagrerebelde at galit sa ginawa sakin ni Henry na tatay nila Millet ay pumayag ako.

Nawalan ako ng respeto sa sarili ko. Nagawa kong ibenta ang katawan ko sa kung sinu-sinong mayaman na gusto akong ilabas. Hanggang sa makilala ko si Lemmuel sa isang party na dinaluhan ko kasama ang isang matandang manyak. Napansin niya na hindi ako kumportable sa mga ginagawang paghawak saakin noong matanda. Nilapitan niya ako at inaya na magkape kahit hindi pa tapos ang party.

Nang gabing iyon ay nalaman ni Lemmuel ang katotohanan sa pagkatao ko. Kaya naman ay tinulungan niya akong makaahon sa kinalalagyan ko. Alam niya kung ano ang nagyari sakin. Wala akong inilihim sakanya. Kaya tinulungan niya akong kausapin ang nanay at ipakulong ang walang hiyang si Henry, sinet-up namin ito sa pamamagitan ng droga.

Ayoko din kasing malaman ng mga kapatid ko ang ginawang kababuyan sakin ng tatay nila.

Naging maayos kami. Masaya kasama si Lemmuel. Alam kong may pamilya ito ngunit hindi ko maitatanggi na kailangan ko ang atensyon niya. Siguro ay dahil wala akong ama na siya naman niyang ginampanan.

Kasabay noon ay ang paglabas ng mga balita sa dyaryo at TV na ibinabahay ako nito. Pilit niya akong itinago sa mga mapanghusgang mata ng tao. Hindi lumabas sa kahit anong pahayagan ang pangalan ko at kung sino ako.

Walang namagitan samin dalawa, hindi niya ako pinilit o inalok na maging babae niya. Simple lang ang gusto niya. Ang tulungan ako. Ngunit kabaliwan nga naman kung pipilitin naming ipaliwanag sa mga tao ang totoong kalagayan naming dalawa. Dahil kahit anong sabihin namin ay walang maniniwala.

Sino nga naman ang maniniwala sa kagaya kong isang bayaran? Isang babaeng mababa ang lipad. Marumi sa paningin ng iba.

Tuwing sabado ay dinadalaw niya ako, tumagal ang ganoong set-up namin ng limang buwan. Pagkatapos noon ay lagi na itong may problema tungkol sa asawa nito. Hindi niya inilihim sa akin ang mga naging pag-aaway nila ng asawa niya. Pati ang anak niya ay lumayo na ang loob sakanya.

Ngunit dahil sa pagiging selfish ko ay imbes na layuan ito ay hindi ko ginawa. Dahil ang tanging nasa isip ko lang ng mga panahon na iyon ay 'kailangan ko siya'.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now