Chapter 18

24 0 0
                                    

Inilapag ko sa harap nila ang softdrinks na pinabili ko. Kumuha ako ng donut na dala pala ni John at inabot iyon kay Gabriel.

"Tisay naman! Bakit mo naman papakain sakanya yung dala ko eh para sayo yan!"maktol na sabi ni John at tinignan ng masama si Gabriel ng kainin nito ang inabot ko.

"Tumahimik ka dyan!"dumampot ako ng isa pa at isinupalpal sa bibig nito. "Ayan oh! Kainin mo!"

"Ang sarap pala ng donut tisay kapag galing sa kamay mo."natatawang sabi nito habang nginunguya ang isang buong donut na pilit nitong pinagkakasya sa bibig.

Nagtawanan kami dahil sa ginawa nito. Ngunit ng pamansin ko na nakatitig sakin ng seryoso si Gabriel ay tumahimik nalang ako.

"May gusto kapaba?"tanong ko dito.

Umiling ito at inubos na ang donut at saka uminom ng softdrink. "Bakit hindi mo nalang sabihin sakanya na wala siyang pag-asa sayo?"mahinang bulong nito.

"Huh?"napatingin ako kay John na nakikipag kwentuhan sa mga kapatid ko. "Ah naku, wag mo pansinin yan. Alam mo kasi high school palang nanliligaw na yan. Kahit ilang beses ko na siyang binasted, sige lang siya hanggat hindi daw ako nag-aasawa ay may pag-asa pa na mabaling sakanya ang atensyon ko."tumawa ako dahil sa mga ala-ala ng kalokohan ni John.

"Gusto mo ako nalang ang magsabi?"tanong nito, akmang tatawagin na nito si John nang may biglang tumunog na cellphone na nagkataon na kay John pala.

"Wait lang tisay ha, sagutin ko lang to, baka ito na yung inapplayan ko nung isang araw."tumayo ito at lumabas.

Nakahinga ako ng maluwag sa paglabas nito, at binalingan ko si Gabriel na seryoso na ngayon na nanonood ng TV.

"Dito kana magtanghalian."aya ko sakanya.

"Hindi na, may pupuntahan din kasi ako mamayang lunch."

"Okay."nanghihinayang man ay wala akong magagawa. Ganoon talaga ang buhay, masaya ka ngayon? Tignan mo mamaya at malungkot kanaman.

Bumalik si John at nagpaalam. "Tisay uwi na ko, si nanay pala iyon hinahanap na ko samin."

"Sige umuwi kana, alam mo naman siguro ang daan palabas."pagtataray ko dito. Naiinis kasi ako sa pagtanggi ni Gabriel na dito magtanghalian, ayan tuloy at pati si John na walang malay ay nasungitan ko. Nakita ko si Gabriel na nakatitig at nakakunot noo sakin.

"Hatid mo naman ako sa labas, syempre manliligaw mo ko kaya dapat pag-uuwi na ako ay ihahatid mo ko ng tanaw."malungkot na sabi nito.

"Fuck you ka no!? Ayan lang ang bahay mo sa tapat! Ihahatid pa kita!? Aba grabe kanaman!"nagtawanan ang mga kapatid ko dahil sa sinabi ko, ito naman ay napakamot lang ng ulo.

"Sige na nga wag na. Bye tisay! Love you!"dinampot ko ang baso na nasa lamesita at akmang ibabato ito kay John kaya naman ay agad itong lumabas ng bahay habang tumatawa.

"Masama ka palang mabadtrip."natatawang puna ni Gab.

Inirapan ko ito at sinimangutan. Kinurot ako nito sa pisngi at saka ninakawan ng halik na nakita ng mga kapatid ko na agad naman nagsitakip ng mga mata.

Tumawa lang ito sa mga kapatid ko na halatang kinikilig. "Sorry guys, ang cute kasi ng ate niyo kaya hindi ko napigilan."

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon