WAKAS

3 0 0
                                    

"Gabriel!"tawag ko dito. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.

Pilit akong tumayo sa kama para lang buksan ang pinto at marinig niya ang pagtawag ko. Shit!

"Ah..hooohh! Hoooooohh..Gabriel!"hawak ko ang balakang ko na sumasakit sa bawat segundo na lumilipas.

"Baby wha-! Fuck! Oh may God, oh my God! Anong gagawin ko!?"tarantang tanong nito sakin.

"Fuck you ka! Dalin mo na ako sa ospital! Ahhhh!"dali-dali ako nitong inalalayan sa pagbaba.

"Nana! Paki lagay po sa sasakyan iyong mga gamit ng baby na inayos namin!"nagmamadaling sumunod si nana Doreng.

"Masakit paba!?"nag-aalala nitong tanong.

Sinuntok ko ito sa braso dahil sa tanong nito. "Baliw kaba! Syempre masakit!hhhoooohh."

"Inhale..exhale..baby..breath.."isinakay ako nito sa likod at agad itong pumuwesto sa harap para magdrive.

Tinignan ko ang itsura nito, naka boxer lang siya at sando. Nailing nalang ako, hindi ko malaman kung matatawa ba ako o kung papano dahil sa sakit na pinagdadaanan ko.

Habang umaandar ay may tinawagan ito. "Nay manganganak na si Lenna!"excited nitong sabi at ibinaba na ang tawag.

May tinawagan ulit ito. "Dad manganganak na si Lenna."pagkababa sa tawag ay muli nitong itinapat sa tenga ang cellphone.

"Lanz manganganak na si Lenna!"nakipag-usap pa ito at nakipagtawanan bago ibinaba ang tawag.

"Balak mo bang ipamalita sa buong barangay na manganganak ako!?"sigaw ko dito.

"Pwede ba?"kunot noong tanong nito. Oh God. Ewan ko ewan ko na talaga.

"Bilisan mo Gabriel, hindi ko na kaya. Lalabas na si baby!"pinaharurot nito ang sasakyan at nagsignal ng hazard para paunahin kami ng ibang sasakyan sa daan.

Pagkarating sa ospital ay agad akong dinala sa operation room. Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na isasalaysay.

"Uuuuunnngggaaa! Uuuunnnnggggaaaa!"nagising ako dahil sa ingay ng batang umiiyak.

"Baby look, nagising na si mommy dahil sayo."sabi ni Gabriel habang pinapatahan ang sanggol na hawak nito.

"Pwede ko ba siyang makita?"tanong ko dito at agad naman nitong nilapit ang baby sa akin.

"Kamuka mo siya."sabi ko dito. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at tumahan ito dahil doon.

"Yeah but he got your fair skin. Look at him may pinapaburan agad siya."pagtatampo nito ng makita na tumahan na ang baby ng inilapit sakin.

"Haha..ganon talaga, mommy first bago si daddy. Diba baby? Diba."kausap ko sa anak na pilit na idinidilat ang mga mata.

"Gagawa ulit tayo, iyong sunod sisiguraduhin ko na ako na ang kakampihan."sabi nito.

"Mahirap manganak no! Baka akala mo dyan."inirapan ko lang siya.

"Ah basta."tumango-tango pa ito na parang may naisip.

"Anong papangalan natin sakanya?"tanong ko dito.

"I want it to be Cayden. Spirit of battle."sabi nito habang nakatingin sa anak namin na punong-puno ng pagmamahal.

"Cayden.."tawag ko sa baby at kumibot ang labi nito. "Okay, it looks like he want that name. So we go for Cayden."

Tumitig siya sa mga mata ko at saka inilapit ang mukha sakin para gawaran ako ng isang magaan at mabilis na halik. "Thank you."

"I love you..Gabriel."pagkasabi ko non ay biglang umiyak ang baby. "And Cayden ofcourse, makakalimutan kaba namin?"tanong ko sa baby.

"I love you both."Gabriel whisper.

                          WAKAS

Magda Lenna...Where stories live. Discover now