Chapter 46

3 0 0
                                    

Matapos maligo at kumain ay bumalik kami sa kwarto. Nakahiga na kami at nakaunan ako sa isa niyang braso.

"You're my girlfriend now."hayag nito.

Iniangat ko ang ulo ko para tignan ang nakangisi niyang mukha. "Bakit nanligaw kaba? Saka hindi pa kita sinasagot."

Inalis nito ang braso at saka dumapa kaya naman ay dumapa nadin ako nang magkaharap ang aming mga mukha.

"Oo nga. Hindi mo pa sinusuklian yung I love you ko."sumimangot ito at saka ako inirapan.

"Ang cute mo."natatawa kong sabi. "Hindi pa pwedeng maging tayo kasi hindi kapa annulled."

"Yeah. Ikaw lang naman ang hinihintay ko. Matagal na kaming hiwalay ni Jenna."nagulat ako sa sinabi nito.

"Kung ganon bakit kapa nagpapaasikaso ng annulment papers?"

"Kasi gusto kitang makita at para hindi mo ko maiwasan."seryoso nitong sabi.

"Eh yung anak mo?"

"Wala pa akong anak. Silly! Ikaw ang magiging nanay ng mga magiging anak ko."bumangon ako sa pagkakadapa at umupo, ganoon din ang ginawa nito.

"Kaninong anak yung nakita ko sa profile mo?"ito naman ngayon ang nakakunot ang noo dahil sa sinabi ko.

"Anong picture?"

"Yung kayong dalawa ni Jenna tapos buhat mo yung baby!"

"Oh..that, it was Lanz and Jenna's child!"kinurot nito ang aking ilong dahilan para mapasimangot ako.

"Really? So sila din pala ang nagkatuluyan?"

"Yes. Hinayaan ko sila. Hindi naman si Jenna ang gusto ko kundi ikaw."

"Pero kasal pa kayo? O hindi na?"

"Kasal pa. Nung malaman ko sa nanay mo na nag-aaral ka ng law ay kinausap ko si Jenna at Lanz na iintayin kitang bumalik bago ako mag file ng annulment."

"Bakit naman hihintayin mo pa ko."

"Paulit-ulit ka naman. Kasi nga para may maganda akong alibi sa paglapit sayo. At saka gusto ko ikaw ang mag asikaso para alam mo. Get's mo na?"nakukulitan nitong sagot, sinuklay nito ng kamay ang buhok kaya naman ay napakagat ako sa aking labi.

"Don't do that."saway nito sakin. Kaya naman ay tinigilan ko ang pagkagat sa ibabang labi ko.

"Ibig sabihin ay kailangan ko din talagang asikasuhin ang annulment niyo."tumango-tango ako.

"Yes. Kaya dapat ay pabilisin mo iyon dahil inip na inip na iyong dalawang magpakasal. Saka ayaw mo ba na pakasalan kita?"niyakap ako nito at hinaltak para mapahiga sa dibdib niya. Sa ganitong posisyon ay dinig na dinig ko ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya.

"Bakit hindi ka sumasagot? Ayaw mong pakasalan kita?"dumungaw ito sakin.

"Hindi ba masyadong mabilis? Kanina lang ay gf mo na ako, ngayon naman ay kasal na ang pinag-uusapan natin."

"Huh!? Mabilis paba sayo ang walong taon? Alam mo ba kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na sundan ka doon? At sapakin sa mukha si Marcus dahil sa panliligaw niya sayo. Now tell me, kulang paba ang walong taon na paghihintay ko?"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Kinikilig ako sa bawat salitang binibitawan niya.

"Ano ha? Kulang paba? Kasi ako hindi ko na kayang malayo sayo ng ilan pang taon!"may diin na sabi nito ng hindi ako sumagot sa tanong niya.

"I love you."sapat na ang salitang iyan para iparamdam ko sakanya na okay na sakin ang lahat. At hindi ko na kailangan ng ilan pang taon para lang masabi na pwede na kaming dalawa.

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon