Chapter 14

35 0 0
                                    

He grab my hand and pull me out of that place.

"Ok kalang?"nag-aalala nitong tanong.

"Ok lang kasalanan ko din naman. Hindi kita napansin."sabi ko dito at ngumiti.

"Hatid na kita sa inyo?"

"Hindi may susundo samin dito."ipinakita ko ang hawak kong order slip "See? May trabaho pa ko, kailangan ko bumalik sa loob."

"Nabasa din iyang papel. Okay lang ba iyon?"nag-aalala nitong sabi.

"Shit! Oo nga, pero okay lang naman siguro."napakamot ako sa ulo sa pag-aalala. Hindi naman siguro ako mapapagalitan papel lang naman to.

Dumukot ito sa wallet at saka inabot sakin ang 1k. "Pwede naba to?"nagkamot ito ng ulo ng tinignan ko lang ang hawak niyang pera.

"Para saan yan? Dito sa order slip na nabasa?"takang tanong ko dito. Hindi ko man sigurado kung mapapagalitan ako o hindi, pero parang sobra ata ang 1k para lang sa papel.

"Oo. Kung gusto mo ako nalang makipag-usap sa boss mo?"alok nito.

"Akin na yan. Pwede na to tip mo sakin."hinablot ko ang pera sa kamay niya. "Okay lang tong papel, kaya ko ng lusutan to. Hindi naman siguro nila bilang to...hehe"ito kasing order alip ay parang my serial number. O kung ano man ang tawag sa mga number na nakalagay sa ibaba.

Umupo ako sa isang bench sa gilid ng halamanan at tumabi ito sakin.

"Tutal nagkita naman tayo ngayon, sorry nung isang gabi sa inasal ni Jenna."nakatingin ito sakin pero hindi ako lumingon.

"Okay."

"Yun lang yon? Okay?"takang tanong nito.

"Ayaw mo ba?"tuluyan ko na siyang nilingon dahil sa sinabi nito. Ayaw ba niyang patawarin ko siya agad?

"No..I mean yes..no. Fuck!"frustrated nitong ginulo ang buhok at saka ako tinignan sa mata.

"Huh. Ewan ko sayo. Pinatawad kana nga ayaw mo pa."naiiling kong sabi.

"Pero masakit yung mga sinabi niya sayo."

"That's it! Siya ang nagsabi kaya ibig sabihin wala kang kasalanan sakin kundi siya."

"Pero ako ang nagdala sayo doon."

Bumuntong hininga ako dahil sa kakulitan niya. "Oo nga. Wala na sakin iyon, totoo naman na sa klase ng trabaho ko may mga pamilyang pwedeng masira."malungkot ko siyang tinitigan para makita nag reaksyon nito.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, nag-igting ang kanyang panga at saka yumuko.

Tinitigan ko siya ng ilan sandali, ng tinignan ako nito ay wala ng ekspresyon sa mga mata nito.

"Ok kalang?"tanong ko sakanya.

"Yeah."bigla itong tumayo at isinuot ang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. "Balik na ako sa loob."

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa pag-alis nito. Pumasok ito sa loob at hindi na ako nilingon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang muli ang aking sarili. Kailangan kong bumalik sa loob dahil kung hindi ay hahanapin ako ni Yumi at yung inorder na drinks nila Gabriel ay hindi ko pa naibibigay. Inilagay ko sa loob ng aking bra ang 1k na ibinigay ni Lanz. Okay nadin, atleast may tip na ako.

Naglakad ako papunta sa loob at dumeretso sa bar counter para ibigay ang mga inorder ng costumer.

"Miss beautiful bago ka dito?"tanong ng isang lasing na nakaupo sa isang stool sa bar counter.

"Yes sir, part time lang."ngumiti ako dito.

Inabot sa akin ang order para sa table nila Gabriel at agad ko itong dinala doon, napansin ko na wala na si Gabriel pero nandoon pa si Lanz. Hindi ako nito nilingon ng nilalapag ko ang inorder nila.

Pagkatapos ng trabaho ay hinanap ko si Yumi at mabilis kaming nag ayos.

Papalabas na kami ay biglang huminto si Yumi sa paglalakad. "Ay wait! Yung phone ko naiwan ko sa dressing room! Mauna kana susunod ako!"mabilis itong tumakbo pabalik sa loob.

Habang papalabas ay may biglang humaltak sakin at dinala ako sa likod ng bar. Sinibasib nito ng halik ang aking labi. Muntik na akong kabahan dahil sa nangyari, ngunit ng maamoy ko ang pamilyar na amoy nito, tanging pagganti nalang sa mapusok nitong halik ang aking nagawa.

Napaungol ako dahil sa paglandas ng kamay nito sa aking isang hita at itinaas para pumulupot sa bewang nito. Nabitiwan ko ang dala kong bag at napahawak ako sa kanyang batok, naramdaman ko sa aking gitna ang pagdidikit ng aming kaselanan.

Bumitaw ito sa halik at naghahabol hiningang nagsalita. "Fuck! Your making me horny by just watching you."hinalikan ako nito sa noo.

Shit! Iba ang naging reaksyon ng puso ko dahil sa ginawa niyang iyon.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now