Chapter 37

3 0 0
                                    

"Hey are you nervous?"pinisil ni Marcus ang aking kamay na hawak niya pagbaba palang namin sa eroplano.

"Yeah, I can't help it."tumawa ito dahil sa sinabi ko.

"Shut up!"sita ko dito habang patuloy padin sa pagtawa. "Asan naba sila nanay?"

Ang sabi sakin ni Marcus ay susunduin daw kami ni nanay ngayon. Miss ko na sila, it's been what? 8 fucking long years, at ngayon lang ako umuwi ng pilipinas.

Sa wakas ay nakatapos na ako at isa na akong lisensyadong abogado. Hindi pa ako humahawak ng kahit anong kaso dahil dito ko sa pilipinas balak magtrabaho bilang abogado.

Napag-usapan namin ni Marcus na kukunin niya ako bilang isa sa mga abogado niya sa law firm na pagmamay-ari nito.

Ang negosyo naman at ari-arian na pagmamay-ari ng yumao kong ama ay sa kapatid kong si Jojo napunta ang pamamahala kahit pa sabihin na ako ang may-ari niyon ngayon ay hindi ko ipinagdamot sa mga kapatid ko ang karapatan sa mga bagay na meron ako ngayon.

"Ayun sila."tinuro ni Marcus ang kinatatayuan ni nanay at ng iba ko pang kapatid. Wala lang si jojo dahil siya naman ngayon ang nasa America para maghandle ng business.

Naka pagpundar nadin ako ng lupa at bahay para kay nanay at sa mga kapatid ko, naka sasakyan nadin sila. Ang kapatid kong ai Joaquin ay lilipad next month para tulungan si Jojo, si Millet naman ay nasa huling taon na sa kolehiyo para sa kursong business ad, si Mica ay unang taon naman para sa kolehiyo, si Cassy naman ay grade 10 at ang bunso namin na si Andrei ay grade 7.

Kung iisipin ay napakabilis ng panahon, ngumiti ako ng magtama ang tingin namin ni nanay. "Nay!"niyakap ko ito ng tuluyan na akong makalapit.

"Lenna! Naku mas gumanda ka lalo ngayon!miss na miss kita anak!"ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin patunay ng kung gaano niya talaga ako namiss.

"Namiss ko din po kayo nay."bumaling ako sa mga kapatid ko na nakangiti sa akin at naluluha din dahil sa umiiyak na nanay namin.

"Joaquin, Millet, Mica, Cassy at Andrei. Ang lalaki niyo na. Hindi niyo ba namiss ang ate niyong maganda?"ibinuka ko ang kamay ko ng sabay-sabay akong yakapin ng mga ito.

Nag-iiyakan kami habang si Marcus naman ay naka masid lang sa amin. "Halika na, gusto ko ng umuwi."

Inaya nila ako sa sasakyan, pagkasakay ay unahan sila sa pagbibida ng kanya-kanya nilang istorya. Nakakamiss yung ganito, yung ingay ng mga kapatid mo. Yung pagmamahal na ipinararamdam nila sayo.

Pagkarating sa bahay ay umuwi nadin si Marcus, medyo nalungkot ako ng marealize ko na hindi na nga pala kami sa isang masikip na apartment nakatira. Namimiss ko yung dati naming bahay. Pero diba dapat masaya ako? Kasi ito ang buhay na pinangarap ko para sa pamilya ko. At ngayon ay naibigay ko na.

Nakahiga na kami sa kama at nagsisiksikan, ang sabi ko kasi kay nanay ay gusto ko yung tabi-tabi ulit kami. Pumayag sila dahil namimiss nadin daw ni nanay ang mga anak niya. Ngayon daw kasi na malalaki na ang mga ito ay masyado ng busy sa kanya-kanyang buhay. Kaya naman ay niyakap namin siya ng mahigpit at ipinaalam kung gaano siya kahalaga saaming magkakapatid.

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon