Chapter 49

14 0 0
                                    

"Answer me! I'm fucking asking you! Why your here!?"sigaw nito sa akin.

"Son it's no-"

"Wag kang makielam dito dad!"putol nito sa ama.

Natatakot ako sa ipinapakitang galit ni Gabriel sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit ng ganyan. Pulang pula ang mukha nito at magulo ang buhok.

"I-im j-just came h-here to t-talk to Lemmuel."nanlisik ang mata nito sa akin.

"Hindi paba ako sapat? At bumalik kapa sakanya!?"akusa nito sa akin na nakapag pagulo ng isipin ko.

Ngunit ng marealize ko ang sinabi niya ay agad ko siyang binigyan ng isang malakas na sampal.

"Fuck you!"natahimik ito at tinitigan ako ng masama at tumakbo ako papunta sa gate para lumabas.

Bumuhos ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Tang ina niya! Gago siya! Oo at galing ako sa ganoong trabaho! Pero tang ina lang! Hindi ako nag-aral at nagpakatino para lang bumalik sa ganoon at para pagbintangan niya!

Pinara ko ang unang taxi na nakita ko sa subdivision na iyon. Huminto ito sa harap ko at agad akong sumakay. Sinabi ko sa driver ang address ng bahay namin, nakatingin lang ito sakin na parang naaawa.

Wala akong pake! Kahit muka akong tanga dahil sa kakahagulgol ko ngayon ay wala akong pake! Nasasaktan ako sa ibinintang sa akin ni Gabriel, wala siyang tiwala sa akin yun lang yon!

"Ma'am okay ka lang ba?"maya-maya'y tanong ng driver na mukang hindi na nakatiis.

"Okay lang ako kuya..huhuhu.."sige lang sa pagtulo ng lintek na luha ko at ayaw nitong tumigil.

Ang sakit na ng puso ko dahil sa nararamdaman ko. Hinampas hampas ko ang aking dibdib para makahinga ako ng maluwag.

Nakarating kami sa bahay, inabot ko ang bayad ko at saka mabilis na pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto, nilock ko ang pinto at dumapa sa kama.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod.

"Lenna anak! Okay kalang ba?"katok ni nanay sa pinto.

"O-k.. aaheemm.. okay lang ako nay!"sabi ko dito.

"Bakit sabi nila Cassy umiiyak kadaw ng dumating ka!?"nag-aalalang tanong nito.

"Nay okay lang ako. Iwan niyo muna ko please. Bababa din ako maya-maya."umayos ako ng higa at pinunasan ang panibagong luha na galing sa mata ko.

"Kalma lang."kausap ko sa sarili ko.

Tumitig lang ako sa kisame habang nag-iisip ng kung anu-ano.

San ba ko nagkamali? Dahil ba hindi ako nagpaalam? Kung nagpaalam ba ako ay papayag siya?

Saka importante iyon para sakin. Gusto kong makausap si Lemmuel ng kami lang dalawa.

Padarag akong bumangon at saka nagpunta sa banyo para maligo. Paglabas ay nagbihis ako ng sexing damit.

Bumaba ako sa hagdan at naabutan ko sila nanay na nasa sala at nanonood ng TV lahat ng atensyon nila ay dumako sa akin ng makita nila akong bumababa.

"Saan ka pupunta? Gabi na ah."tumayo si nanay mula sa pagkakaupi at nilapitan ako.

"Nay lalabas lang ako."paalam ko dito.

"Pero-"hindi na ako napigilan ni nanay ng tumuyan na akong lumabas ng bahay.

"Ate! Hahatid na kita!"sabi ni Joaquin.

Pumayag ako sa gusto nito para mabawasan ang pag-aalala ni nanay. Peri bago pa kami makalabas sa gate ay may humarang nang isang pamilyar na sasakyan.

Nagmamadaling bumaba si Gabriel mula doon at kinatok ang pinto ng sasakyan kung saan ako naka upo.

"Get out of that car now Lenna!"sigaw nito sa akin habang pinipilit na buksan at kinakalampag ang pinto.

"Ate?"nag-aalalang tanong ni joaquin.

"Ako na."binuksan ko ang pinto at lumabas. Hinarap ko siya at pinagkrus ang aking mga kamay sa harap ng aking dibdib.

Magda Lenna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon