Chapter 2

40 1 0
                                    

Pagkarating sa restaurant na pagkikitaan namin ni Mr. Galvez ay inihanda ko na ang sarili ko sa mga posibilidad na isa itong matandang manyak na kailangan kong pagtiisan kasama buong gabi hanggang matapos ang party. Kaya naman ng makapasok ako sa loob ay agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid, may mga napatingin sa gawi ko mapalalaki man o babae na humahanga sa aking kagandahang taglay.

Nilapitan ako ng isang lalaking waiter at hinagod ako ng may pagnanasang tingin mula ulo hanggang paa, hindi ko naman siya masisisi I'm wearing simple yet elegant long black gown na masyong maraming balat ang kita kagaya ng style nito na kita ang buong likod hanggang bewang at ang harap naman ay kita ang cleavage at ang tabas nito ay hapit na hapit sa makurba pero slim kong katawan at tinernohan ko ito ng high heels na lalong nagpatangkad sa akin, at ang style ng buhok ko ay messy bun para makita ang makinis kong likod.

Tinanong ako nito matapos akong suriin. "Ma'am kayo po ba si Ms. Rich?"

"Yes. Is Mr. Galvez already here?"

"This way ma'am."itinuro nito ang isang lamesa kung saan naka-upo ng patalikod si Mr. Galvez.

Nang makalapit kami ay bigla itong tumayo at humarap sa akin ng nakangiti at para makipagkamay. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang itsura nito at hindi ko na namalayan na umalis na ang waiter na naghatid sa akin.

"Good evening Ms. Rich."inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Good evening din po Mr. Galvez." Sa wakas ay nakuha ko ng ngumiti.

"What's with the 'po'?"natatawa itong umiling. "Muka naba akong matanda para sayo? Anyway have a seat. Kumain kana ba?"

Ngumiti ako ng tipid. Hindi siya isang matanda kaya naman nagulat ako dahil ang edad nitong si Mr. Galvez ay mukhang nasa twenty something lang, matanda lang siguro siya sakin ng ilang taon.

"Kumain na po ako Mr. Galvez. Kayo po kung gusto niyo muna kumain ay ok lang sakin."

"Stop with the 'po' please? Pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na and just call me Lanz, stop the formality remember your my date tonight right?"ngumiti ito at tinawag ang waiter na naghatid sakin kanina.

"Ok. Sorry. Hindi kanaman mukang matanda. Ilang taon kanaba?"ngumiti ako sakanya at ibinaling naman nito ang atensyon sa waiter na may dalang menu.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang mukha niya. Yeah right, hindi siya mukang matanda siguro dahil pala ngiti siya. Maputi at makinis ang mamula-mula niyang balat, halatang may lahi din ito dahil sa matangos nitong ilong, may pagkasingkit ngunit malalim na mata na binagayan ng makapal nitong kilay. Matipuno din ang pangangatawan nito kahit pa nakasuot ito ng formal suit ngayon I can tell sa itsura palang.

"Done checking me out? I'm just 25 by the way."nakangisi ito at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Shit! Nakakahiya dahil nahuli niya akong nakatingin sakanya.

"Sorry. Medyo hindi kasi ako sanay na bata pa ang kumukuha sakin bilang escort. Madalas kasi ay matatanda."sabi ko rito ng hindi humihiwalay ang tingin.

Nakakapagtaka naman talaga diba? Gwapo ito at mayaman, at sigurado na marami rin ang nagkakandarapa para lang maging date nito ngayon gabi ng walang bayad. Ngunit bakit ito mag-aaksaya ng pera para lang kumuha ng kasama nito ngayon gabi? Right! Kasi may pera siya at kaya niyang magbayad. Stupid! Napailing nalang ako sa sarili kong isipin.

Magda Lenna...Where stories live. Discover now