◈ The God's Child ◈

55.1K 1.3K 104
                                    

Hello sa lahat, this is my first book sa wattpad sana magustohan niyo :))) !!!

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Lando's POV

Kaylangan kong magmadali.

Hindi nila pwedeng maabutan ang anak ko!

Takbo!

Isa lang ang nasa isip ko at yun ang salitang yun. Kung sino man ang halimaw kanina ay magbabayad sila! Pinatay na nila ang asawa ko at ngayon papatayin rin nila ang anak ko?!

Bakit?!

Dahil kakaiba siya?

Sinusumpa ko magbabayad sila.

Uhaw, gutom, at pagod ang na raramdaman ko ngayon. Hindi ko namalayang dumudugo na pala ang paa ko, pero binaliwala ko ang lahat ng sakit para sa anak ko. Isa lang ang gusto ko ngayon, at yun ay maka layo sa bangungot na lugar nato.

Ilang oras ang naka lipas napadpad kami ng anak ko sa isang napaka dilim na gubat. Bigla nalang umiyak si Luna, ibig sabihin kaylangan ko munang huminto.

Naghanap ako ng pwedeng malagyan sa anak ko, at kaylangan ko ring linisin ang mga sugat ko. Ramdam ko ang lamig sa paligid at agad kong naramdaman ang takot dahil sa idudulot nito. Inilagay ko muna ang anak ko sa baba ng puno upang maghanap ng bagay para ibalot sa kanya pero nagulat ako nung nagkaroon ng mga halamang lupa sa oras na inilagay ko siya nito. Siya ba ang may gawa nito?

''Mukhang mahal ka ng kalikasan anak. Isa ka ngang biyaya ng mga diyos.'' Napangiti ako sa sinabi ko.

Gumawa ako ng apoy at napa buntong hininga sa bigat ng nararamdaman ko. At habang tumitingin ako sa apoy hindi ko napigilang isipin ang mga ngyari.

°•○ BALIK TANAW ○•°

Naalala ko ang mga oras na binigay namin ang pangalan ni Luna. Ang asawa ko ang pumili nito. Ito na ata ang pinakamasayang araw ng buhay naming dalawa. Ibig sabihin ng pangalang binigay niya ay buwan. Dahil siya ang liwanag sa aming madilim na buhay. Isa siyang milagro kung ako'y inyong tatanongin. Nung nalaman naming mag-asawa na hindi pwedeng magkaanak si Maria, parang gumuho ang mga pangarap naming magkaroon ng malaking pamilya. Sampong taon na kaming mag-asawa, ang mga taong yun ay madilim dahil wala kaming anak. Tanging pagmamahalan lang namin ang naging sandigan namin bawat araw.

Pero sa isang bulalakaw nagbago ang lahat. Isip namin noon ay wala naman sigurong ma wawala kung hihilingin namin ito kahit sa mga tala sa taas. Humiling kami na biyayaan kami ng anak, di man posible pero ginawa na namin ang lahat. Lahat ng gamot, ritwal, o kahit anong paraan ay ginawa na namin.... pero wala. Ilang araw ang nakalipas pagkatapos dumaan ang bulalakaw, bigla nalang nagsusuka si Maria. Hindi ko alam anong gagawin ko dahil sa kaisipang na lason siya, ayoko paring mawala siya sa akin. Tinawag ko ang manggagamot at sinabi ko lahat ang ng yari pero isa lamang ang sagot niya sa magulo kong pag-iisip, sabi niya na may isang himalang nangyari.

Nagdadalantao ang asawa ko.

Kami na siguro ang pinaka masayang magulang sa buong mundo sa mga oras na yun. Siyam na buwan ang hinintay namin para lumabas ang pinaka mamahal naming anak. Ng masilayan ko ang anak ko, ako na sigurado ang pinaka masayang ama sa lahat. Isang napakagandang sanggol ang nasa mga braso ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now