◈ Pagkilala sa Hari ◈

9.7K 283 4
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°• ENJOY •°

Luna's POV

Sinakop ng kadiliman ang mga mata ko at ang tanging may liwanag lang ay ang spada ng langit. Umupo ako sa di kasiguradohang sahig at humarap sa spada ng langit.

"Khul'Shalkrum." Bati ng spada sa akin.

"Gusto ko lang ng kausap. Patawad kung na distorbo kita, teka na tutulog kaba? Nako! patawad!" Sabi ko at narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Hindi ako na tutulog, khul'Shalkrum. Sabihin mo, khul'Shalkrum." Sabi niya. Bakit parang nenenerbyos ako ngayon?

"Uhmmmm.. kasi.... Kasi..."

"Nagugulohan ka, tama ba?" Napatitig ako sa kanya. Alam nga niya.

"Oo tama ka, hindi lang na gugulohan, nagagalit din ako."

"Galit, ay isang malakas na salita, lahat tayo ay parating inuunahan ng galit, khul'Shalkrum. Pero sayo, takot ang punot dulo nito."

Takot? san naman ako natatakot?

"Natatakot ka bang malaman mo ang katotohanan, Luna?" Naninibago talaga ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko, pero ayos lang naman, parang pamilyar na kami sa isat isa.

"Oo tama ka." (-_-)

"At na gagalit ka dahil, puno parin ng lihim ang hangin."

(-_-'') chaks!

"Oo tama ka, para nila akong pinaglalaruan. Pinadala nila ako sa misyong to tapos, malalaman ko pa sa kalaban ko na may iba pa palang propesiya! Pinaglalaroan nila ang buhay ko at damdamin ko!" Nasa dulo na talaga ako sa pag-iyak. Tsk!

"Nung nalaman ko ang propesiya, khul'Shalkrum. Hindi ma papantayan ang kaligayahan ko. Sa wakas, magkakaroon na ako ng khul'Shalkrum. Maibahagi ko na sa wakas ang kapangyarihan ko sa khul'Shalkrum ko. Pero habang lumalalim ang naririnig ko tungkol dito, unti unti namang na babanggit ang mga propesiya."

"Mga? Kung ganun totoo nga, haaay. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaibigan. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga lecheng lihim na ito!" Sabi ko sabay pahid ng luha ko.

"Ang tamang gawin khul'Shalkrum ay kausapin ang tamang tao, at yun ang inang diyos mo. Siya lang ang makakasagot niyan."

"Eh hindi ko nga alam kung pano ako makakapunta dun."

"Dugo at salita, khul'Shalkrum." Napatingin ako sa kanya. T-teka diba..

"Ito ang sinabi ng mukha. Teka, anong kinalaman nun sa pagpunta ko sa langit?"

"Alam kong makukuha mo ang sinasabi ko, khul'Shalkrum."

"..... dugo at salita." Hinukay ko ang buong utak ko para malaman ang sinasabi niya.

Dugo at salita...

Dugo at salita..

Dugo at salita..

⊙﹏⊙

Naalala ko na!

"Ang dugong sumpa o regalo ay siyang pupukaw sa nakatagong salita. Salita ng isang mortal na imortal ay tulay sa mundong hinahanap."

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now