◈ Isang nakaraan ◈

7.3K 237 7
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Jake's POV

San na ba siya? Bakit umaalis siya ng di ko alam?! Ilang araw na akong nandito sa tambayan namin dahil nag-iisip kung nasan siya. Hindi rin sinasabi ng tatay niya kung saan siya, sirado talaga ang bibig niya kahit anong pilit ko.

Nung isang araw may parati akong na raramdamang kakaiba, ewan ko nga! parang may nagmamasid parati sa akin.

Nung na laman ko na wala si Luna sa bahay nila parang biglang bumaliktad ang mundo ko. Ang daya daya niya! Bakit di niya sinabi kung saan siya! Akala ko ako lang ang aalis pero na ngako akong bibisita sa kanya at ngayon ma lalaman ko to?!

Nananadya ba ang mundo?! Hindi na nga niya ako sinagot ehh ma wawala pa siya ng ganun ganun nalang!

Bat ba Luna?

"Ugh!" Sa inis ko tumayo ako at inilabas ang kapangyarihan ko, hindi nagtagal naging isang malaking leyon na ako.

Tumakbo ako ng tumakbo paalis sa lugar namin, kaylangan ko subukan ulit na kausapin ang tatay niya. Alam kong may tinatago siya at kaylangan ko tong malaman. Hindi pwedeng ma wawala si Luna eh hindi nga yan lalayo sa kahariang Herlina!

Tsk! Siguro ang pagka wala niya ay may koneksyon sa pagkatao niya, di naman siguro na kinuha na siya ng panginoon. Isa siyang anak ng diyos hindi ma layong yun ang dahilan kung bakit nga siya nawawala.

Ibinalik ko na ang katawan ko sa normal nung nasa harapan ko na ang pintoan ng bahay nila at hindi ako nagdalawang isip na kumatok.

"Teka lang." Rinig ko galing sa loob at ilang sigundong paghihintay, binuksan ng tatay ni Luna ang pinto nila. "Oh Jake, bat na parito ka? Teka, wag mong sagutan yun, alam ko kung bakit ka nanaman nandito. Jake....-"

"Sige naman po. Ako poy nag-aalala sa kanya, hindi ko na po kaya ang isip ko at dahil ang gulo ng utak ko. Hindi na po ako na kakatrabaho ng maayos sa palasyo."

"Jake, alam kong nag-aalala ka at kahit sasabihin ko sayo kung nasan siya, hindi mo parin siya ma pupuntahan."

"Anong ibig ninyong sabihing hindi?" Tanong ko at bakit parang bumibilis ang pagtibok ng puso ko?

Nasa panganib ba siya o ano?

"Na ngako ako sa anak ko Jake kaya hindi pwede." Sabi niya at sinara ang pinto.

@&$#%!

Nag mana talaga si Luna sa tatay niya! ang tigas ng ulo!

Hindi ko maintindihan ang galit sa akin ngayon. Pero alam kong hindi yun ang solosyon at alam ko kung nandito si Luna, magagalit yun at ako pa ang papatayin niya.

Hindi pwedeng ganito. Ma babaliw ako! Naglakad akong naka yuko at hinayaan kong dalahin ako ng mga paa ko kahit saan.

Ang daya daya mo talaga Luna!

"Ikaw si Jake diba?" Nagulat ako nung may biglang nagsalita. Ngayon ko lang napansin na nasa gubat na pala ako.

Lumingon lingon ako at parang wala akong nakikita pero may na raramdaman akong kakaibang aura.

"Jake Hunter." Sabi ulit ng boses.

"Sino ka?! Magpakita ka!" Sigaw ko.

"Alam ko kung nasan ang tinakda." Rinig kong sabi niya.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now