◈ Itim na kaharian ◈

6.4K 228 2
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

PIK!

Bigla akong napa mulat dahil sa na rinig ko. Wala pa rin nagbabago sa posisyon ko, naka dapa parin ako sa lupang na bagsakan ko. Pinilit kong igalaw ang kamay ko para maiangat ang katawan ko, napa kagat naman ako sa aking labi dahil sa sakit na naramdaman. Parang dumaan ako sa limang taong pasakit!

Nung nagawa kong umupo, agad ko namang hinawakan ang ulo ko dahil parang sasabog ito ano mang oras. Na ramdaman ko ang na tuyong dugo sa noo ko at pansin kong wala na ang sugat na nagdulot nito.

Sa kanang kamay ko, ramdam ko ang hawakan ng spada at agad ko naman itong inangat. Tumataas na talaga ang talim ng spada at ngayong na dagdagan na ang talim nito, na dadagdagan rin ang kapangyarihan nito.

Nilabas ko ang kapangyarihan ko para lumabas ang gintong talim nito, tinukod ko ito sa lupa para tulongan akong tumayo. Tumingin ako sa paligid at lumaki naman ang mga mata ko.

Para akong naka tayo sa lupang pinasabog, dito ba talaga ako bumagsak? Kaya pala na walan ako ng malay dahil ang lakas talaga ng pagbagsak ko, parang isang higante ang nahulog dito dahil sa laki at lalim ng napinsala.

Para akong naka tayo sa lupang pinasabog, dito ba talaga ako bumagsak? Kaya pala na walan ako ng malay dahil ang lakas talaga ng pagbagsak ko, parang isang higante ang nahulog dito dahil sa laki at lalim ng napinsala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dahan dahan akong naglakad para maka labas sa malalim na lupa nato, mahigit kalahating oras ang inabot ko para maka labas lang. Napaka dulas ng lupa dahil sa pakurba nitong daan, ang sakit ng paa ko at parang pinapatay rin ako ng ulo ko. Siniyasat ko ang paligid at na mangha.

May mga kakaibang ibon na lumilipad sa maulap na kalangitan at nagsitaasan ang mga bundok na parang nagiging langgam ako sa mga oras nato. Sa kabila ng mataas na mga bundok ay isang mataas na bulkan ang dumakip ng paningin ko, at pansin ko na bawat lupang nasa baba nito ay parang humihinga dahil sa mga usok na lumalabas nito, kakaiba rin ang mga puno ng paligid dahil sa pulang kulay nito at iba sa kanila ay na lalagas kasama sa hanging dumadaan.

Medyo pula ang kulay ng mga alapaap sa taas at sa malayong bahagi kung saan aabot ang  paningin ko ay may na kikita akong kulay itim na mga ulap.

Anong mundo kaya ito?

Sa mga bulkan ba sa lugar ay nagsasabing nasa mundong Zyrexis ako? sa mundo ng mga Elementasium na ang pangunahin kapangyarihan ay apoy? ang mundo ni, Valdesis?

(O_O) Teka! nagkahiwalay hiwalay nga pala kaming lima!

"Lecheng buhay to ohh!"

Nagmasid ako sa paligid at parang walang katao tao dito, nagdesisyon akong ipalabas ang gintong mapa ko. Dahil na wawala sila di ibig sabihin hindi na tuloy ang misyon ko. Kung mag-isa man ako, kakayanin kong isabay ang paghahanap sa piraso at paghahanap sa mga kasamahan ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now